^

Punto Mo

Bayani

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG araw binisita ni Meng Ruipeng ang kanyang girtfriend sa Hancun town Xizhaolou village, China. Pero kaaalis lang ng girlfriend kaya nagpasya si Meng na magpahangin muna sa manmade lake habang naghihintay sa girlfriend.

Maya-maya ay may narinig na sigaw si Meng sa di kalayuan. Tila mga batang humihingi ng saklolo dahil lulubog-lilitaw ang mga ulo nito sa ibabaw ng tubig. Hinubad ni Meng ang t-shirt at ipinatong ang cellphone dito. Dali-dali itong lumusong sa tubig upang iligtas ang mga bata. Ang dalawang bata ay matagumpay na naiahon ni Meng ngunit nang siya na ang aahon, biglang nanigas ang kanyang paa. Sa kasamaang palad, tuluyan na siyang nalunod at namatay.

Ang dalawang batang iniligtas ay magkapatid pala. Nahulog sila sa tulay habang naglalaro dito. Ang harang sa gilid ng tulay ay sira kaya nang madapa sa paghahabulan, ang dalawang bata ay tuluy-tuloy na nahulog sa lake.

Nakarating agad ang girlfriend sa tulay. May nagbalita dito na naaksidente ang kanyang boyfriend. Nadatnan niya ang t-shirt at cell phone na maayos na nakapatong sa bench. Ang sabi ng mga tao, isa raw ang kanyang boyfriend sa aksidenteng nahulog sa tulay. May dalawa pa raw batang kasabay niyang nahulog sa tulay.

Nagduda ang girlfriend sa narinig na kuwento. Kung aksidenteng nahulog si Meng, bakit nakuha pa niyang maghubad ng damit at buong ingat na naipatong pa ang cell phone sa ibabaw nito? May naaamoy siyang kasinungalingan sa mga pangyayari.

Ilang araw ang lumipas, biglang nagkaroon ng linaw ang nangyari kay Meng. Umamin ang mga magulang ng dalawang bata na huwag sabihin sa mga pulis na iniligtas sila ni Meng. Hinayaan nilang malunod si Meng. Kung nabuhay ito, siya ang magsasabing nahulog sa tulay ang mga bata habang naglalaro. Kakasuhan sila ng mga pulis sa salang pagpapabaya sa mga anak. Kaya kahit may tsansa pang iligtas ang taong sumagip sa buhay ng kanilang anak, pinabayaan nilang malunod si Meng.

Nakulong ang mga magulang ng mga bata. At least nagkaroon ng justice ang pagkamatay ng isang bayani. Si Meng ay 24 years old at scholar sa kolehiyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with