^

Punto Mo

EDITORYAL - Ubos Sayyaf!

Pang-masa

NATAGPUAN noong Miyerkules ang katawan na walang ulo sa Bgy. Gata, Talipao, Sulu at hinihinalang ito ay sa Canadian tourist na si John Ridsdel. Dinala ang katawan ni Ridsdel sa Canadian Embassy matapos awtopsiyahin. Kinondena ng Canada ang karumal-dumal na pagpatay kay Ridsdel. Naghihinagpis naman ang kaanak ni Ridsdel sa nangyari.

Pinugutan si Ridsdel ng Abu Sayyaf makaraang kidnapin noong Setyembre 2015 kasama ang tatlong iba pa sa Samal Island. Natagpuan ang ulo ng Canadian sa isang kalye sa Jolo na nasa isang plastik. Umano’y hindi naibigay ang hinihinging ransom kaya pinugutan ang dayuhan. Ang tatlo pang hostages ay ang Canadian na si Robert Hall, Norwegian Kjartan Sikkenstad at ang Pinay na si Maritess Flor. Bukod sa mga nabanggit, bihag din ng Abu Sayyaf ang 14 na Indonesian crewmen at apat na Malaysian seamen.

Noong Huwebes, isang araw makaraang matagpuan ang katawan ni Ridsdel, nireport ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 14 na Abu Sayyaf ang napatay sa walang puknat na operasyon. Ipinag-utos ni President Noynoy Aquino ang all-out war sa Abu Sayyaf. Lipulin ang Abu Sayyaf! Agad nagsagawa ng air strike ang AFP sa kuta ng mga bandido at 14 agad ang napatay sa unang bugso ng opensiba.

Hindi na dapat tantanan ang mga bandido. Nga­yong naumpisahan na, ituluy-tuloy na hanggang sa walang matira. Kapag itinigil ang pagsalakay, muli  na namang babangon ang mga bandido at magsasagawa ng pangingidnap. Inamin din ng Malacañang na balak palang kidnapin ng Abu Sayyaf si Presidential sister at actress Kris Aquino ganundin si boxing idol Manny Pacquiao.

Huwag nang hayaang makapambiktima pa ang mga bandido, tapusin na sila. Ibuhos ang atensiyon sa kanila. Patunayan ng AFP na mas malakas sila kaysa Abu Sayyaf. Ipakita na kaya nilang lupigin ang mga taong walang nadaramang awa sa kapwa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with