^

Punto Mo

Sir Juan (196)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PERO itumba muna natin sina Sir Juan, Mahinhin at Gringo,” sabi ni Nectar. Binibilang nila ang pera at mga alahas na nakulimbat.

“Huwag kang atat, Nectar. Pinagmamasdan tayo ni Bossing, kailangan gawin muna natin ang iniuutos niya saka natin harapin ang mga hinayupak na sina Sir Juan.’’

“Pero kailan yun?’’

“Depende sa utos ni Bossing. Kaya huwag kang nagmamadali. Gusto mo bang magalit sa atin si Bossing?’’

‘‘Akala ko kasi, pagkatapos nating nakawan ang alahasan sa Sta. Cruz, e sina Sir Juan na ang haharapin natin.’’

‘‘Hindi pa. Small time lang kinana natin. Kailangan, banko ang isunod natin para matuwa si Bossing.’’

“Okey! Okey! Banko kung banko. Kailan tayo babanat?’’

“Sa isang linggo. Tiyak mainit pa tayo sa mga parak. Palalamigin muna natin para walang sablay.’’

‘‘Sige! Sige!’’

‘‘’Yan ang gusto ko sa’yo Sweetie Pie. Masunurin ka sa lahat nang sabihin ko.’’

‘‘Wala naman akong magagawa kundi sundin ka. Ikaw ang boss ko.’’

“Talaga ha. Hayaan mo Nectar, kapag nakana natin ang banko sa kanto, ibibiyahe kita sa langit.’’

“Totohanin mo ‘yan. Gusto ko talaga ng biyaheng langit.’’

“Oo. Masusunod ang gusto mo. Bibiyahe tayo sa langit. Kapit-kamay pa tayo habang patungo sa langit.’’

“Sige iplano mo na ang gagawin natin.’’

Ginawa ni Dalton ang plano para sa hoholdaping banko. Bukas ay aalamin niya kung anong oras nagrerelyebo ang mga guwardiya.

Kinabukasan, inalam niya ang relyebo. Alas dose nagpapalit.

Makalipas ang isang linggo, pinasok na nila ang banko. Nadisarmahan nila ang guwardiya.

“Dapa sa suwelo! Dapa!’’

Nagdapaan ang ilang empleado.

‘‘Sige Nectar, ilagay mo sa black bag ang mga pera, dali!’’

Nang maisilid lahat ang pera, mabilis silang tumakas, sakay ng motorsiklo. Pinaharurot ni Dalton ang motosiklo patungo sa kanilang hideout.

Pero bago sila makara­ting sa hideout, dalawang police car ang humabol sa kanila. Nalaman na ang pagnanakaw nila.

“Sinusundan tayo, Dalton.’’

“Huwag kang matakot. Akong bahala. Hindi aabot ang mga ‘yan.’’

“Malapit na sila Dalton.’’

“Dukutin mo sa bulsa ng jacket ko ang mga pera! Dali!’’

Ginawa ni Nectar ang utos ni Dalton.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with