^

Punto Mo

Indonesian singer na natuklaw ng king cobra sa entablado, patay matapos ituloy ang pagkanta

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Indonesian singer ang sumunod sa kasabihang “the show must go on” hanggang sa kanyang huling hininga matapos niyang ituloy ang kanyang performance sa entablado sa kabila ng pagkakatuklaw sa kanya ng isang king cobra.

Dahil sa tindi ng kamandag ng ahas ay binawian ng buhay ang 29-anyos na pop singer na si Irma Bule.

Nangyari ang kakaibang performance ni Bule noong April 3 nang siya ay tuklawin ng isang king cobra habang siya ay kumakanta sa entablado.  Karaniwan na niyang ginagamit na props ang mga ahas sa kanyang mga performance ngunit noong araw na iyon ay natapakan niya ang king cobra kaya siya tinuklaw.

Tinuloy-tuloy pa rin ni Bule ang kanyang pagkanta sa loob ng 45 minuto. Tinanggihan din niya ang antidote na iniaabot sa kanya ng mga handler ng king cobra.

Pagkatapos ng kanyang performance ay itinakbo siya sa ospital ngunit idineklara na siyang “dead on arrival”.

Naging sikat si Bule dahil sa kanyang pagkanta ng dangdut o tradisyunal na musika ng Indonesia. Naging kilala rin siya dahil sa kanyang mga perfromances sa entablado na kasama ang mga ahas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with