^

Punto Mo

Pinakamalaking treehouse sa mundo, mistulang mansyon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG treehouse sa Tennessee, US ang sinasabing pinakamalaking treehouse sa buong mundo. Sa sobrang laki nito ay hindi na ito matatawag na isang ‘house’ o bahay lang dahil parang mansyon na ito sa laki.

Tinawag itong Minister’s Treehouse dahil itinayo ito ni Horace Burgess na isang lokal na ministro sa Tennessee. Ayon sa kanya, nakausap niya ang Diyos at sinabi sa kanyang hindi siya magkukulang sa materyales kung siya ay magtatayo ng isang treehouse. Pagkarinig nito, pinagpasyahan ni Burgess na itayo ang pinakamalaking treehouse sa buong mundo.

Sinimulan niya ang pagtatayo sa treehouse noong 1993 at natapos niya ang pagtatayo nito sa loob ng 14 na taon. Nagkakatotoo ngang hindi siya kukulangin sa materyales dahil ayon sa kanya, maliit lang ang kanyang ginastos sa pagtatayo nito.

Umabot ang laki ng treehouse sa taas na 97 talampakan. Itinayo niya ito sa isang matanda at malaking puno na may taas na 80 talampakan. May limang palapag ang treehouse at 80 kuwarto. Naglagay si Burgess ng isang kapilya sa loob nito na may sariling kampana.

Bukas para sa lahat ang dambuhalang treehouse na ginawa ni Burgess. Ayon kasi sa kanya, tahanan ito ng Panginoon kaya hindi niya binabawalan ang kahit sinong gustong pumasok sa kanyang treehouse. Ang tangi lamang niyang ipinagbabawal ay ang paninigarilyo at vandalismo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with