^

Punto Mo

Bawal humalik

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MARAMING report sa isinasagawang pananaliksik sa Zika virus na ngayon ay lumalaganap sa South at Central America at may 30 bansa na ang apektado. Wala pa naman ito sa Pilipinas pero may ganyang mga kaso na umano sa ilang katabing bansa.

Partikular na namemeligro sa ganitong sakit na tulad din umano ng dengue fever ang mga buntis. Kabilang sa mga report ang natuklasan umano ng mga scientist na Zika virus sa laway at ihi at ikinababahala ng United Nations ang hinalang maaaring maisalin ang sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Dahil dito, pinapayuhan nga ang mga buntis na huwag munang makipaghalikan at hinihimok ng UN ang mga gobyerno sa buong mundo na isulong ang paggamit ng condom  at contraceptive pills. At mas matindi pa, hinihimok ang ibang mga babae na huwag munang magpabuntis. Kung kailan nalalapit pa naman ang Valentine’s Day ay saka lumalabas ang ganitong ulat.

Lalong bumigat at kumplikado ang problema sa Zika virus kung totoong nakakahawa ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik at hindi lang sa kagat ng lamok. Kontrobersiyal pa naman sa ating bansa ang usapin ng condom at contraceptive pills bunsod ng Reproductive Health bill. Maraming Pilipino ang hindi rin makapagpigil sa “panggigigil” at ayaw gumamit ng condom. Sana nga huwag nang makapasok sa Pilipinas ang Zika virus na iyan na hindi pa nahahanapan ng tamang lunas ng mga dalubhasa.

Nakakabahala rin na, sa pagdaan ng mga taon at dekada, iba’t ibang matitinding bagong sakit ang lumalabas sa buong mundo na pumapatay o pumeperhuwisyo sa maraming tao. Nariyan ang Acquired Immune Deficiency Syndrome na hanggang ngayon ay wala pang natutuklasang gamot. Nagkaroon din ng H1N1 virus, Ebola virus, bird flu virus o Avian influenza, Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus na tulad ng AIDS ay hindi pa makitaan ng lunas bagaman patuloy ang pananaliksik dito ng mga scientist.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with