^

Punto Mo

Mga Kawirduhan ng US Presidents

Ms. Anne - Pang-masa

Lyndon B. Johnson (36th President, 1963-69)

Kapag iniinterbyu at nakaramdam ng pag-ihi, isinasama niya hanggang toilet ang mga reporter dahil ayaw niyang maputol ang discussion. Wala siyang pakialam  kung makita ng reporter, babae o lalaki, ang kanyang penis.

Andrew Johnson (17th President, 1865-69)

Lasing siya sa kanyang inauguration. Sa sobrang kalasingan, natumba siya sa putikan. Kailangan pang tumawag ng doctor para pabalikin ang kanyang malay; at barbero para linisin ang buhok na pulos putik.

John Quincy Adams (6th  President, 1825-29)

Tuwing alas singko ng umaga ay lumalangoy siya sa Potomac River nang hubo’t hubad. Mailap siyang magpainterbyu sa babaeng reporter na si Ann Royall. Minsan ay sinundan siya ni Ann sa Potomac River. Habang nagsu-swimming, kinuha ng reporter ang damit ng Presidente at tinakot na aalis lang siya kung pagbibigyan siyang makapanayam ito. Walang nagawa ang Presidente kundi sumagot sa mga katanungan habang nakalubog sa ilog.

Andrew Jackson (7th President, 1829-37)

Tinuturuan niya ng lahat ng klase ng pagmumura ang kanyang parrot. Habang  nakaburol, din sa hall ang parrot na walang tigil sa pagmumura.

Herbert Hoover (31st President, 1929-33)

Pinayagan niya ang anak na mag-alaga ng dalawang buwaya at hinahayaang gumapang ang mga ito sa paligid ng White House.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with