^

Punto Mo

EDITORYAL - Air pollution sa Metro Manila malala na!

Pang-masa

MAYROON pa bang ginagawang hakbang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa problemang air pollution sa Metro Manila? O wala nang ginagawa dahil matatapos na ang termino ni President Noynoy Aquino sa susunod na taon?

Mapanganib na ang hangin sa Metro Manila sapagkat masyado nang polluted. Nakamamatay ang air pollution. Ang usok na ibinubuga ng mga pampasaherong sasakyan (particular ang bus) ay nagdudulot ng noncommunicable diseases (NCDs). Kabilang sa mga sakit na idinudulot ng air pollution ay ang allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases.

Ang mga taong nagbibiyahe araw-araw ay nakalantad sa panganib ng pagkakasakit. Araw-araw, nalalanghap nila ang maruming hangin na dulot ng mga sasakyan. Bukod sa usok, nalalanghap din ang mga usok ng sinunog na basura, goma, at maraming harmful wastes na delikado sa kalusugan.

May mga nagpapayo sa PAGASA na isama ang pagrereport ukol sa air quality index para malaman ito ng mamamayan. Mahalaga raw ito. Sa ibang bansa ay ginagawa na raw ito at dapat ding gawin sa Pilipinas.

Wala nang magagawa ang Aquino administration para mapabuti ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang inaasahan na lamang ngayon ay kung may gagawin ang susunod na Presidente sa 2016 sa problema sa air pollution. Dapat isama ng presidentiables sa kanilang plataporma ang ukol sa paglutas sa air pollution sa Metro. Kapag hindi pa ito nalutas, darating ang panahon na hindi na matitirahan ang Metro Manila dahil sa nakasusulasok na hanging may lason. Kawawa naman ang mga susunod na henerasyon kung hindi pagtutuunan ng pansin ang problema sa air pollution. Iprayoridad ito ng susunod na presidente. Kapag nasolusyunan niya ang air pollution, hindi siya makakalimutan kahit sa paglipas ng panahon.

O wala nang ginagawa dahil matatapos na ang termino ni President Noynoy Aquino sa susunod na taon?

vuukle comment

AIR

ANG

ARAW

HINDI

ITO

KAPAG

METRO

METRO MANILA

MGA

POLLUTION

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with