^

Punto Mo

‘Konsehal Ludovica, para sa’yo to!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAPANSIN-pansin ang mga nagkalat na outpost sa Quezon City ng isang naggagaling-galingan pero estilong kupal at epal na konsehal.

Hindi ko alam kung saan kumukuha ng tibay ng sikmura at laman-loob itong si Rannie Ludovica na namamaga na ang mukha sa mga tarpaulin at naka-park na  private cars.

Kuntodo sa pagiging masigasig, nasobrahan yata sa kawanggawa. Akala niya siguro pupurihin siya ng publiko at papalakpakan sa kanyang kabuktutan.

Papaano ba naman kasi, nagposte ng mga tao na gusto pa yatang agawan ng trabaho ang Philippine National Police (PNP). Akala mong sinong mga sigang putok sa buhong nagpapalaki ng tiyan sa mga outpost.

Ang mas nakakabahala pa na nakatawag ng aming pansin, ang pagiging armado umano ng mga tao ni Ludovica. Ayon sa mga nagsusumbong at nagrereklamo sa BITAG, nagkalat ang iba’t ibang kalibre ng baril sa loob ng outpost.

Maliban dito, hindi rin daw ginagalang ang batas-trapiko ng kanyang mga tao na kung magmotorsiklo sa lansangan, ‘alang helmet. Ang mga sasakyan, may blinker din at wangwang.

Hoy, hoy, hoy, konsehal na kenkoy! Hindi mo trabaho ang maglagay ng mga tao sa gilid ng lansangan para magpaimbabaw at sasabihing babantayan nila ang seguridad pang-nasyunal.

Trabaho mo na pagsilbihan ang iyong mga nasasakupan at magbigay ng serbisyo-publiko sa mga nasa distrito mo lang o sa District 2 ng QC.

Kaya mawalang-galang na konsehal, alisin mo na ang mga mala-turo-turo mong outpost na masakit sa mata sa iba’t ibang bahagi ng Commonwealth Avenue. Kalat lang ‘yan. Huwag mo nang panghimasukan ang trabaho ng mga alagad ng batas. Ipaubaya mo na lang sa mga pulis ang pagbabantay sa lansangan.

Alam kaya ‘to ni Mayor Bistek? Yormi, gising!

* * *

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABANGAN

ALAM

ANG

AYON

COMMONWEALTH AVENUE

MAYOR BISTEK

MGA

NBSP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

RANNIE LUDOVICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with