^

Punto Mo

Mga ugaling okey sa mga ‘Kano’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…pero kabastusan sa ibang kultura

Pagdating sa tamang oras ng mga bisita sa dinner party

Sa US, isang kagandahang asal ang pagdating ng mga bisita sa itinakdang oras ng host. Sa Tanzania, kabastusan naman ang pagdating ng maaga, kahit 15 minutes advance. Sa Argentina, mas lalong katanggap-tanggap kung magpapa-late ng isang oras.

Pagbibigay ng tip

Ito ang kalakaran sa US, pagbibigay ng tip sa mga waiters at hotel staff. Pero sa Japan ito ay pang-iinsulto sa binibigyan ng tip.

Pagpapatunog ng wine glass

Kapag may selebrasyon, nagto-toast ang mga Amerikano bago inumin ang alak. Minsan ay pinapatunog pa nila ang wine glass sa pamamagitan ng pagbubungguan ng baso. Sa mga Hungarian, ang pagpapatunog ng wine glass ay isang insulto sa kanila. Nagpapaalala raw ito ng pagkatalo ng Hungary laban sa Austria nang panahon ng rebolusyon noong 1848.

Pagtingin sa mata ng kinakausap

Sa mga Amerikano, ito ay palatandaan ng sinserong pakikipag-usap. Sa ilang parte ng Africa, Latin America at Asia, ito ay palatandaan ng paghahamon ng away. Sa Islamic culture, bawal magtinginan sa mata ang babae at lalaking nag-uusap. (Itutuloy)

vuukle comment

AMERIKANO

ANG

ITO

ITUTULOY

KAPAG

LATIN AMERICA

MGA

SA ARGENTINA

SA ISLAMIC

SA TANZANIA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with