^

Punto Mo

Sampaguita (143)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HUWAG mo sana akong lolokohin, Levi,” sabi ni Sam habang magkatabing nakaupo. Nasa sulok sila ng sikat na restaurant. Kakaunti pa lamang ang mga customer.

“Hindi ako marunong manloko ng babae, Sam. Iginagalang ko ang mga babae.’’

“Salamat Levi.’’

“Magtiwala ka sa akin Sam. Kung gusto mo, i-sche-dule na natin ang pagpapapakasal. Kahit sa isang linggo, pakasal na tayo.’’

“Ang bilis naman, Levi!”

“Kapag mahal ko ang isang tao, handa kong gawin ang lahat. Isa pa gusto ko na ring mag-asawa. Tumatanda na ako at dapat magkaroon na ng kakasamahin sa buhay. Gusto kong tapusin na ang pagkabinata, Sam.’’

“Ganun ba? Sige kung gusto mong magpakasal tayo next week, ikaw ang bahala. Pero gusto ko sanang malaman ng lola ko na magpapa-kasal na ako.’’

“Lola? Meron kang   lola?’’

“Oo. Si Lola Rosa. Nasa probinsiya siya.’’

“Akala ko ba e wala ka nang kamag-anak dito at pawang nasa US na.’’

‘‘Hindi ko nasabi na mayroon pa akong lola. Nag-iisa na siya sa probinsiya.’’

“Kawawa naman siya Sam. Bakit hindi mo dalhin dito sa Maynila?’’

“Yan nga ang balak ko, Levi pero nalilito ako. Isa pa baka hindi siya puma-yag. Ang mga matatanda ay ayaw umalis sa kanilang sinila-ngang lugar.”

“Sabagay nga. Ano ang gusto mo ngayong gawin, Sam.’’

“Gusto ko siyang puntahan isang araw.’’

“Sasamahan kita Sam. Lahat nang gusto mo ay pagbibigyan ko.’’

“Salamat Levi. Napakabuti mo. Sana lagi kang ganyan.’’

“Talaga namang mabait at mabuti ako.’’

“Sana hindi ka magbago.’’

“Hindi ako magbabago, Sam. Pangako.’’

Maya-maya ay nag-excuse si Sam.

“Punta lang ako sa rest room, Levi.’’

“Okey.’’

Nang tumayo si Sam at nagtungo sa rest room, inilabas ni Levi ang nasa kanyang bulsa. Isang sache. Binuksan at ibinuhos sa inumin ni Sam. Hinalo niya iyon.

Napangiti si Sam.

Mamaya lamang ay mahihimbing ka na Sam. Solong-solo na kita. Hindi ka na makakapalag. Magbabayad ka na sa mga kasalanan sa akin. Akala yata ay wala akong kaalam-alam sa plano niya. Pati ang bossing mo na si Sir Manuel ay matitigok!

Dumating si Sam. Nakatingin si Levi nang maupo ito.

“Ba’t ganyan ka kung makatingin, Levi?’’

“Ha e wala! Wala!’’

Nanahimik si Sam.

“Inumin mo na ang juice mo Sam.’’

Kumilos si Sam para damputin ang baso ng juice.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

GUSTO

HINDI

ISA

LEVI

SALAMAT LEVI

SAM

SANA

SI LOLA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with