^

Punto Mo

Sampaguita (117)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KAILAN tayo magkikita, Sam?’’ Tanong ni Levi na hindi pa rin magawang umalis kahit sinabi ni Sam na gusto na niyang magpahinga. Parang umaasa ito na magbabago ang pasya ni Sam hinggil sa muli nilang pagkikita.

“Magbalik ka na lang Levi. Maski bukas, okey?’’

“Okey Sam. No problem.’’

“Thanks.’’

Pero ang hindi alam ni Sam, naiinis si Levi sa ginagawa nitong pagpapakipot. Habang lumalabas sa bahay ay may iniisip itong paraan para magawa ang gusto kay Sam. Lalo siyang sinasabik ni Sam sa ginagawa nitong pagpapakipot. Ngayon lang may babaing nakagawa ng ganito sa kanya. Pero wala naman siyang magawa kundi sundin ang sinabi ni Sam.

Habang papalayo si Levi ay nakangiti naman si Sam. Mukhang mapuputol niya ang sungay ni Levi. Kapag nagawa niya iyon, tiyak na magiging sunud-sunuran pa sa kanya ang lalaki. Kahit ano ang sabihin niya rito ay susundin. Kahit sabihin niyang tumulay sa alambreng may tinik ay gagawin dahil sa matinding pagmamahal. Pero hindi niya bibiglain. Baka dahil sa pagmamadali niya ay magkaroon ng hinala at malaman ang lahat. Si-yempre hindi naman bobo si Levi para hindi makahalata. Kailangang maghinay-hinay siya.

Kanina, gustong hawakan ang kamay niya. Kung hindi niya sinansala, baka nahawakan na nga at baka nahalikan pa siya. Delikado kung nangyari iyon dahil baka nakamasid si Ram. Kung makikita ni Ram na hinawakan siya ni Levi ay baka magkagulo. Baka biglang sugurin ni Ram si Levi at magkasuntukan.

Kapag nangyari iyon baka masira ang planong paghihiganti. Kailangang magdahan-dahan siya at kailangang mahawakan niya nang todo si Levi. Paluluhurin niya ito sa paanan niya. Sa simula siyempre ay mahihirapan siya pero pag tumagal, susuko ito at magiging sunud-sunuran sa kanya. Kapag baliw na baliw na saka naman niya ito ibabasura. Naiganti na niya sina Ylang-Ylang at iba pang kawawang anak ni Eba.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKA

HABANG

KAHIT

KAILANGANG

KAPAG

LEVI

NIYA

PERO

SAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with