^

Punto Mo

Kaanak ng Fallen 44, nadismaya sa SONA

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dismayado ang mga kaanak ng nasawing SAF 44 sa   isinagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino noong nakalipas na Lunes.

Lumikha ng malaking kontrobersiya ang insidenteng ito sa Mamasapano na naglagay nga sa alanganin sa administrasyong Aquino noong mga panahong iyon.

Hanggang sa ngayon nga ay nababalot pa rin ito ng mga usapin at maituturing na hindi pa  sarado  ang kaso at hindi pa nakakamit o napapanagot ang mga sangkot dito.

Sa nagdaang SONA ng Pangulo,  lalong nadagdagan ang hinanakit ng mga kaanak ng nasa-wing SAF dahil umano sa dinami-dami  ng pinasalamatan ng Pangulo na umabot pa hanggang sa kanyang barbero,  pero hindi man lang umano binanggit ang tungkol sa nasawing mga SAF troopers na tumupad sa kanilang misyon na dito nga napatay nila ang international terrorist na si Marwan.

Nasaan ang hustisya,  ito pa rin ang sigaw ng mga kaanak ng SAF 44 at maging ng kanilang mga kaibigan at kasamahan.

Bukod  sa hustisyang hindi pa nakakamit ng Fallen 44 marami pang  isyu ang ayon sa marami ay hindi natugunan sa SONA ng Pangulo.

Kabilang dito ang hindi na natupad na modernization program sa PNP.

Hindi nga ba’t nang maganap ang Mamasapano incident doon natuklasan ang kakarampot na daily allowance ng mga pulis   na   sumasabak sa labanan.

Ang mga dispalinghadong armas at mga kagamitan na isinasapalaran sa pakikipaglaban.

Ang lahat ng ito ang sa panig nila’y hinihinatay na banggitin ng Pangulo sa kanyang   huling SONA.

vuukle comment

ANG

AQUINO

BUKOD

DISMAYADO

HINDI

MAMASAPANO

MGA

NBSP

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with