^

Punto Mo

EDITORYAL – Huwag isantabi ang FOI Bill

Pang-masa

WALANG nabanggit si President Noynoy Aquino sa Freedom of Information (FOI) Bill sa kanyang mahigit dalawang oras na State of the Nation Addreess (SONA) noong Lunes. Nakalimutan na nga siguro niya ang panukalang batas na matagal nang nakabinbin sa Kongreso. May pondo na ang FOI Bill at pirma na lang ang kailangan pero nakapagtatakang hindi pa maipasa. Noong 2010 na nangangampanya si P-Noy, sinabi niyang susuportahan ang FOI Bill. Prayoridad daw niya kapag nakaupo sa Malacañang. Pero nagka-amnesia na yata ang Presidente at wala nang maalala ukol sa panukalang batas. Nakadidismaya ang ganito na mangangako subalit hindi tutuparin.

Mahalaga ang FOI Bill sa kasalukuyang sistema ng pamahalaan. Ito ang makapipigil para mapigilan ang paglustay sa pondo ng taumbayan. Kung naisabatas noon pa ang FOI, hindi malulustay ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas. Dahil walang kapangyarihan ang mamamayan na mahalungkat ang mga transaksiyong ginagawa ng government official, nagpasasa ang mga kawatan sa pondo ng bayan. Nakinabang ang negos­yanteng si Janet Lim-Napoles na  nakapagbulsa ng P10 bilyon makaraang lumikha ng pekeng non-government organizations (NGOs). Matatandaang kay P-Noy pa sumuko si Napoles. Sabi ni P-Noy noon, walang sa­santuhin sa mga mambabatas na kakutsaba ni Napoles. Maski raw kaalyado ay mapaparusahan. Hanggang ngayon wala pang kaalyadong nakakasuhan at tatlong senador pa lamang ang nakapiit.

Huwag isantabi ang FOI Bill,. Ito ang pipigil sa paglustay ng pondo ng mamamayan. Nakasaad sa Sec. 28 Article II at Sec. 7 Article III ng 1987 Constitution na may karapatan ang mamamayan na malaman ang mga transaksiyong ginagawa ng pamahalaan. Karapatang mabatid ang lahat ng polisiya, proyekto at mga programa ng gobyerno kung saan sangkot ang pera ng taumbayan. Bilang taxpayers, dapat mabatid at malinawan ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad.

Kung isa nang batas ang FOI, maaari nang magkaroon ng access ang mamamayan sa lahat ng mga programang ginagawa ng public officials. Malalaman na ng mamamayan kung paano ginagastos ng kanilang official ang pondo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

FOI

FREEDOM OF INFORMATION

ITO

JANET LIM-NAPOLES

MGA

NAPOLES

P-NOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with