^

Punto Mo

Puwede pang makabawi si P-Noy

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAIDELIBER na kahapon ni Pres. Noynoy Aquino ang kanyang huling State of the Nation Address (SONA) at inilatag ang kanyang performance sa nakalipas na limang taong panunungkulan.

Marami ang hindi kuntento sa mga nagawa ng Presidente at mga pangakong hindi natupad lalo na sa pagsasaayos ng kabuhayan ng bawat Pilipino.

Bukod sa kabuhayan ay hindi rin nakakamtam ng iba pang mga biktima ng iba’t ibang krimen at iba pang karahasan sa bansa lalo na sa mga lugar na mahihirap.

Maraming pangako ang hindi natupad dahil sa kapalpakan ng ilang miyembro ng Gabinete ng Presidente at dito ay napatunayan na masyado siyang mabait sa mga kapwa opisyal.

Naging ugali na kasi ng Presidente na siya ang mismong sumasanggalang sa mga palpak na Gabinete na isang kabaliktaran.

Halos 11 buwan na lang ang nalalabi sa termino ng Presidente na magwawakas sa Hunyo 30, 2016, May pagkakataon pa siya na makabawi sa kanyang pagkukulang sa bayan.

Isa sa magandang binanggit ng Presidente sa kanyang SONA ay ang pagsusulong ng panukalang batas sa Anti-Dynasty Law na tatapos sa iilang pamilya na humahawak ng mga posisyon sa kanilang siyudad o probinsiya.

Makakabawi ang Presidente at maaring mag-iwan ng legacy kung mapagtitibay ang batas laban sa political dynasty upang matapos na ang paghahari-harian ng iilang pamilya upang mabigyan ng pagkakataon ang iba na mamuno sa gobyerno sa kani-kanilang lugar.

Kung maipapasa ito ay bantayan sana ng Presidente ang bersiyon at huwag maging malabnaw ang batas sa political dynasty para maging mabisa ito sa larangan ng pulitika sa bansa.

Samantala, hayaan natin sa taumbayan na sila na mismo ang magbigay ng grado sa performance ng Presidente hinggil sa kanyang pamumuno sa ating bansa bagamat ang ilan ay nagpahayag na ng hindi pagkakuntento sa gobyerno.

Malalaman nating lahat ang grado ng taumbayan kay P-Noy kung susuportahan nito ang iindorsong kandidato sa 2016 presidential elections.

vuukle comment

ANG

ANTI-DYNASTY LAW

BUKOD

GABINETE

HUNYO

ISA

MAKAKABAWI

MGA

NOYNOY AQUINO

PRESIDENTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with