^

Punto Mo

Huling SONA na, may natupad ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa darating na Lunes na ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.

Marami ang nag-aabang dito, hindi sa kung ano ang sasabihin ni PNoy, kundi mas inaabangan eh ang gagawing pagporma ng mga mambabatas.

Siyempre pa siguradong pabonggahan na naman sa pananamit at mistulang rarampa ang mga ito sa tuwing may SONA.

Ito ang pangunahing inaabangan sa tuwing may SONA, baka nga pangalawa na lang sa inaalam eh kung ano ang laman ng talumpati ng Pangulo.

Ito ang ika -6 na SONA ni PNoy, siyempre dito mag-uulat uli siya ng kanyang mga nagawa o gagawin pa sa loob ng ilang buwan na lamang ng kanyang panunungkulan.

May natupad ba ang kanyang mga ipinangako sa kanyang mga naunang SONA?

Yun  ang malamang na hahanapin sa kanya ng mga makikinig sa labas sa Batasan.

Ilang ulit na namang uugong ang palakpak sa pagsasalita ni PNoy sa loob ng Batasang Pambansa, pero sa labas ang protesta  naman ng mga magrarali ang aalingawngaw.

Sa panig naman ng kapulisan, handa na umano ang inilatag nilang seguridad sa SONA.

Nasa 3,000 mga pulis, bumbero at tauhan ng MMDA ang ikakalat para dito.

Kasi nga sasabayan ito ng malalaking rali ng mga militanteng grupo, kaya nga nasa 35 mga paaralan sa lungsod Quezon ang sinuspinde na ng DepEd ang klase para hindi na maipit pa sa matinding trapik.

Taun-taong ganito ang eksena sa tuwing may SONA, wala nang naiba.

Sa ordinaryong mamamayan, inilalarawan nila ang SONA na puro pangako na patuloy at paulit-ulit umano na napapako.

 

vuukle comment

ANG

BATASAN

BATASANG PAMBANSA

ILANG

ITO

KASI

MARAMI

MGA

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SONA

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with