^

Punto Mo

EDITORYAL - Bakit wala pang hepe ang Comelec, COA, DOH, PNP at iba pa?

Pang-masa

MASYADO bang abala si President Noynoy Aquino sa kasalukuyan kaya hindi makapagtalaga ng pinuno o hepe sa mahahalagang tanggapan ng gobyerno? Sabi, nakatambak na raw ang mga dokumento at papeles sa mesa ng Presidente at hindi pa ito nagagalaw. Wala pang pagkilos para makapag-appoint ng pinuno at kung hindi pa raw aaksiyon, aabutan na ito ng pag-adjourn ng Congress sa Marso 21 para sa paggunita ng Mahal na Araw. Halos dalawang linggong bakasyon ang Kongreso at sa Abril na babalik para sa pagsisimula ng sesyon.

Ilang sesyon na lamang ang Kongreso bago mag-adjourn at imposible nang makapag-appoint ang Presidente sa mga bakanteng posisyon. Kabilang sa mga tanggapan na walang pinuno ay ang Commission on Elections, Commission on Audit, Department of Health, Civil Service Commission at Philippine National Police.

Palaisipan kung bakit wala pang inia-appoint ang Presidente sa mga bakanteng posisyon na dapat daw ay noon pang nakaraang buwan ginawa para mapagtuunan ng Senado.

Isa sa mahalagang tanggapan na dapat magkaroon ng hepe ay ang Commission on Audit (COA) at ang Department of Health. Mahalagang may nangangasiwa sa COA sapagkat ito ang sumasala at sumusuri sa lahat ng mga gastos ng pamahalaan. Kahit pa mayroong OIC ang COA, mas mahalaga na mayroong pinuno na nakaaalam nang lahat ng nangyayari sa tanggapan. Ang kawalan ng pinuno ay sumisira sa maayos na takbo ng tanggapan.

Mahalaga rin naman na mayroong permanenteng kalihim ang DOH para lubusang maging matatag at organisado ang kagawaran. Ngayong banta ang mga sakit na nakukuha ng OFWs sa ibang bansa gaya ng MERSCoV, dapat may isang ekspertong kalihim na magpapasya ng mga gagawin para hindi kumalat ang sakit. Mahirap na trabaho ito kaya kailangang ang itatalaga ay may sapat na kaalaman at kahusayan sa health deparment.

Hanggang ngayon, wala pa ring hepe ang PNP.  Mula nang magbitiw si PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima noong Pebrero, wala pang inilalagay sa puwesto. Ano ang balak ng Presidente at wala pa siyang inilalagay na permanenteng PNP chief? Hindi kaya pinakikinggan pa niya si Purisima at ang “manok” nito ang kukunin. Huwag naman. Tama na ang mga kontrobersiya sa PNP na pinalubha nang pakikialam ng dating PNP chief.  Huwag nang sundan ang trahedya ng 44 SAF commandos na naging dahilan para yugyugin ang upuan ng Presidente.

Magtalaga na ng pinuno sa mga bakanteng tanggapan. Huwag nang magdili-dili o mag-urung-sulong. Kailangan ang mga hepe para maging maayos ang pagsisilbi sa mamamayan.

vuukle comment

ABRIL

ALAN PURISIMA

CIVIL SERVICE COMMISSION

DEPARTMENT OF HEALTH

HUWAG

KONGRESO

PARA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with