^

Punto Mo

‘Nagpumiglas hanggang makatakas’

- Tony Calvento - Pang-masa

OKAY lang na ang bubuyog ay palipat-lipat ng bulaklak subalit kapag tinangay niya ito at dinala sa kanyang likod baka lumagpak na siya sa lupa. “Babaero naman talaga siya, dati pa… pero ngayon nag-uuwi na siya sa bahay,” ani ‘Nikki’.

Sa edad na 27-anyos hiwalay na agad si Ma. Nickelyn Cantela o “Nikki” sa dating kinakasama na si Calvin Abong—isang ‘seaman’. Magkababata si Nikki at Calvin tubong-Cantorna, Monreal, Masbate si Nikki. Taga-Balud, Masbate naman si Calvin. Kumuha ng kursong Commerce Major in Management si Nikki sa Masbate Colleges subalit hindi siya nakapagtapos dahil kapos sa pera ang kanyang mga magulang. Pumasok siya sa Vocational School at kumuha ng Secretarial Course subalit nahinto rin siya. Nagdesisyon na siyang magpunta sa Maynila para maghanap ng trabaho. Bago pa siya umalis  ng Masbate, nagkakatext na sila ng dating kaklase sa grade I na si Calvin. Nagkamustahan sila at pagtagal nanligaw ito sa kanya sa text. Tumuloy si Nikki sa kanyang tiyahin sa Tondo. Nakahanap siya ng trabaho bilang ‘staff’ sa isang Recruitment Agency. Nagpatuloy ang pagtetext nila ni Calvin. Nasa Roxas City siya nun nag-aaral ng ‘marines’. Disyembre 2008, pagka-graduate niya. Lumuwas siya ng Maynila para bisitahin si Nikki.

“Nanligaw siya ulit sa’kin ng personal,” ani Nikki.

Madalas pumunta sa boarding house ni Nikki si Calvin. Maluwag dito kaya’t nakakatulog dun si Calvin. Tuwing dun ito nagpapalipas ng gabi… nagtatalik sila. Nabuntis si Nikki. Tinago niya sa mga magulang ang kanyang kundisyon ngunit kay Calvin ipinagtapat niya ang lahat.

“Papanagutan naman daw niya ako…” ani Nikki.

Setyembre 2009, unang sampa ng barko ni Calvin. Singapore ang ruta niya. Malayo man si Calvin palagi pa rin silang nag-uusap. Nanatiling maayos ang kanilang relasyon. Nobyembre 2009, umamin na si Nikki sa mga magulang at sinabing uuwi siya ng Masbate para dun manganak. Pebrero 2010 isinilang ni Nikki ang isang anak na lalake. Kahit hindi sila nagpakasal sinustentuhan ni Calvin ang kanyang mag-ina. Nagpadala siya ng halagang P6,000-P10,000 buwan-buwan. Tatlong buwan ang kanilang anak nang umuwi si Calvin sa Masbate.  Dinala niya ang kanyang mag-ina sa kanyang mga magulang. Dalawang linggo silang namalagi dun. Nangako si Calvin sa mga magulang ni Nikki na papakasalan ang anak. Balik barko siya dalawang buwan makalipas. Nagtrabaho din si Nikki sa isang agency. Pagbalik ni Calvin sa Pinas, kada anim na buwan na ang kanyang nagiging kontrata. Taong 2011, dito na unang may nakarating na balita kay Nikki na may babae ang mister. Binalewala raw niya ito subalit isang araw habang nasa bakasyon si Calvin at magkasama sila… isang babae ang tumawag sa kanyang cellphone at nagpakilalang girlfriend ni Calvin.

“Asawa niya ito. Sinong girlfriend?” tanong ni Nikki.

Mabilis daw na ininsulto ng babae, “Hindi pa naman kayo kasal!” Kinumpronta ni Nikki si Calvin subalit tumanggi itong may babae sa Singapore. “Sabi niya fling-fling lang daw yun. Ayaw niya rin kausapin ang babae,” ani Nikki. Pinatawag ni Nikki si Calvin. Umalis ito ulit papunta namang Thailand. Naging kada-tatlong buwan ang kanyang kontrata. Taong 2012, nahuli naman niya sa ‘facebook’ ng mister ang picture nito habang nakaakbay sa isang babae na kanya rin daw kababayan. Kuha raw ito sa isang reunion. Binalewalang muli ni Nikki ang nakita hanggang nagsumbong ang tiyahin niya sa Tondo na may iniuuwi raw na babae sa boarding house itong si Calvin. Kinumpronta niya si Calvin.Tulad ng dati todo-deny na naman ito. Nobyembre 2012, tumawag si Calvin sa kanya at sinabing malapit na siyang bumaba at dumiretso silang mag-ina sa kanilang bahay sa Masbate.

“Dati sa bahay agad siya bumababa pagkagaling sa barko.­ Nagduda ako kaya tumanggi ako,” ani Nikki.

Hindi nagsabi si Nikki kung kelan siya pupunta ng Masbate. Biglaan ang naging pag-uwi niya pagdating dun nakarating sa kanya ang balitang may inuwing babae dun ang mister. Isang linggo pa raw itong natulog sa kanila. Tinanong ko ang biyenan ko at si Calvin kung nag-uwi nga siya ng babae, ang sabi naman nila kaibigan lang daw yun ni Calvin, wala silang relasyon. Naniwala na naman si Nikki subalit bago umuwi humingi ng tawad sa kanya si Calvin, “Sorry­… pagbalik ko sa Maynila makikipaghiwalay na ako sa kanya,” pangako raw nito. Anim na buwan siyang sinuyo ni Calvin. Nung masiguro niyang wala na itong babae naging sila ulit at umayos na ang kanilang relasyon. Taong 2013, nagbago na naman si Calvin… naging putul-putol ang pagpapadala nito ng pera. Pumangit na naman ang kanilang relasyon. Sasampahan na niya dapat ito ng kasong R.A 9262, Petition for Support su­balit nagkaayos na naman sila. Kada uwi ng asawa ay nagbibigay ito ng 25,000. Nag-ilang balik sa Pinas si Calvin at nangako itong muli ng kasal. “Sa 2015 ikakasal tayo,” sabi raw nito. Disyembre 2014, nasa Cavite si Calvin para sa isang training, isang araw na hindi nakapagtext si Nikki sa kanya, nagalit na lang daw ito at nakipaghiwalay. Sawa na si Nikki sa ganitong sitwasyon kaya’t nagmatigas na siya at tinanggap ang gusto ni Calvin. “Basta sustentuhan mo anak natin,” aniya. Mula nun hindi na umano nagpadala ng sustento si Calvin sa bata. Binlock na rin siya nito sa ‘facebook’. Ito ang dahilan ng pagpunta ni Nikki sa amin. Itinampok namin ang kwento niya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ. (Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa kwento ni Nikki, ilang beses na niyang nahuling nambababae si Calvin at paulit-ulit niya itong pinatawad. Lumalabas lang na sobra ang pagmamahal niya sa lalake. Sinabi sa amin ni Nikki na natiis niya ang mga buwan na walang padala si Calvin dahil may trabaho siya ng mga panahong iyon at natutustusan niya kahit papaano ang pangangailangan ng anak subalit ngayon, wala na siyang trabaho at hindi na niya ito kayang nag-iisa. Ang pagpapalaki sa bata ay hating responsibilidad dapat nila ni Calvin ito ang malinaw. Pinayuhan namin si Nikki na magsampa na ng kasong RA 9262 laban kay Calvin. Ni-refer namin siya sa Public Attorney’s Office (PAO), Pasay para asistehan siya sa kanyang reklamo. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre Bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038.

vuukle comment

CALVIN

MASBATE

NIKKI

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with