^

Punto Mo

Manong Wen (218)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG kahilingan po ni Tatang Nado ay mapatawad n’yo siya bago man lang mamatay,” sabi ni Jo sa mag-inang Violeta at Noime. “Habang sinasabi po niya sa akin ang kahilingan ay napapaiyak siya. Nakita ko po na talagang nagsisi na siya sa nagawa sa inyong mag-ina.

“Pilit ko po siyang isina­sama pababa ng bundok at mamuhay na sa bayan pero tumanggi po siya. Mas gusto po niyang mamuhay sa bundok. Ipinangako ko po na babalikan siya. Natuwa po siya. Pero siguro po mas lalo siyang matutuwa kapag pinatawad n’yong mag-ina. ‘Yan po ang wish niya.’’

Namagitan ang katahimikan sa kanila.

Maya-maya, nagsalita si Mam Violeta. Matigas ang boses.

“Hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang pagsisisi. Ang isang katulad niya ay wala nang pag-asa pang magbago. Kahit na nag-ermitanyo siya, wala pa rin akong tiwala sa kanya. Sabihin mo sa kanya, masaya na kaming mag-ina sa aming buhay. Tahimik kaming namumuhay at hindi na namin siya kailangan. Natutuhan na namin ang mamuhay na wala siya.’’

Hindi nakapagsalita si Jo. Nakatingin naman si Princess.

“Salamat sa paghahanap mo sa amin, Jo. Pero patawad, hindi namin talaga mapapatawad si Nado. Wala na tala­gang mababago sa pasya namin. Noon, pinag-usapan na na­ming mag-ina ang pasyang ito. Matibay na ang aming pasya.’’

“Nauunawaan po kita Mam Violeta. Salamat po sa pagtanggap sa amin. Ipaaalam ko po kay Tatang Nado ang pasya mo.’’

“Salamat Jo.’’

“Magpapaalam na po kami.’’

Tumayo na sina Jo at Princess. Humakbang palabas. Inihatid sila sa gate ng mag-ina.

Habang papalayo ay nag-uusap sina Jo at Princess.

“Ayaw ni­lang patawarin si Tatang Nado. Galit pa rin sila.’’

“Hindi nila malimutan ang kalupitan ni Tatang Nado.’’

“Bakit ayaw nilang bigyan ng isa pang pagkaka­taon?’’

“Nasaktan kasi sila.”

“Kawawa naman si Tatang Nado. Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya kapag dinalaw ko.’’

“Ipagtapat mo ang totoo.’’

“Kawawa naman kapag nalamang galit pa rin sa kanya ang mag-ina.’’

“Siguro naman, mata­tanggap niya ang lahat.’’

“Bakit kayo ni Precious natanggap n’yo muli si Mam Diana kahit nagkasala?”

“Kasi’y niligtas niya kami sa kapahamakan.  Muntik na nga siyang mamatay.’’

Napatingin nang makahulugan si Jo kay Princess.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

HABANG

KAWAWA

MAG

MAM DIANA

MAM VIOLETA

PERO

SIYA

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with