^

Punto Mo

Sablay ang Malacañang

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SA ngayon ay inuulan ng batikos si Pangulong Noynoy Aquino sanhi ng pagkakapatay sa 44 na kagawad ng PNP Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.

Lalong uminit ang batikos dahil sa hindi nakasipot ang Pangulo sa ibinigay na arrival honors sa mga bangkay ng pulis na dumating sa Villamor Air Base.

Pero lalong nadiin ang Pangulo dahil sablay ang pahayag ng Malacañang sa pamamagitan ng tagapagsalita ng Pangulo.
Nang tanungin kasi ng media si Communications secretary Sonny Coloma kung bakit wala ang Pangulo sa arrival honors sa Villamor ay dahil wala raw sa schedule ng Pangulo.

Lalong nagpuyos ang damdmin ng publiko sa pamamagitan ng social media dahil sa sablay ang sagot ni Coloma.

Mantakin mo nga naman na biglang ikinatwiran ni Coloma na wala sa orihinal na schedule ng Pangulo ang pagpunta sa arrival honors kung kaya’t ang piniling puntahan at daluhan ng Pangulo ay ang inagurasyon ng planta ng sasakyan sa Laguna.

Sana ay nag-isip muna nang makailang beses si Coloma bago siya nagsalita sa media at kung ano ang implikasyon nito.

Pero ayon sa ating mga nakausap sa Palasyo ay hindi naman talaga inisnab kundi ay ninais ng Pangulo na hindi sumipot sa arrival  honors sa Villamor Air Base ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga naulilang kamag-anak ng mga biktimang pulis at masolo ng mga ito ang nasabing mga labi ng SAF members.

Kung nandun kasi ang Pangulo ay makakaagaw pa ito ng atensiyon sa halip na masolo ng mga naulila ng nasabing mga bayaning pulis.

Sa isang sablay lang ng opisyal ng Malacañang ay malaking dagok at batikos ang inabot ng Pangulo mula sa publiko.

vuukle comment

COLOMA

LALONG

MALACA

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PERO

SONNY COLOMA

VILLAMOR AIR BASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with