^

Punto Mo

CHR, anong aksiyon sa pagmasaker sa PNP-SAF?

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MADALAS nating marinig na nag-iingay ang Commission on Human Rights (CHR) kapag ang sinumang tauhan ng Philippine National Police o iba pang law enforcement agency ay sangkot sa krimen o insedente ng karahasan.

Sa pagkakataon ito ay ang mga kagawad ng PNP Special Action Force (SAF) ang biktima ng krimen na pinaniniwalaang minasaker ng pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Libe­ration Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa umano’y engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Hindi katanggap tanggap sa nakakarami ang mababaw na rason ng MILF na misencounter at kawalan ng koordinasyon ang dahilan ng pagkamatay ng 43 PNP SAF.

Lihitimo ang operasyon ng PNP SAF para arestuhin ang dalawang wanted na terorista na umanoy kasapi ng bandidong Abu Sayyaf at Jemaah Islamiya.

Ang masaklap ay hindi man lang agad nakaresponde ang Armed Forces of the Philippines  na malapit sa lugar dahil sa mababaw din na dahilan na nakatali ang kanilang kamay sa kasunduang tigil putukan kahit pa nakabingit pa sa panganib  ang buhay ng mga pulis..

Nakakapamlumo rin na marinig na kailangan pang ipangalandakan ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga kaanak ng mga namatay na pulis.

Normal na ang tulong pinansiyal at hindi na kailangan pang sabihin sa publiko at ang dapat na pagtuunan ng pansin ay kung papaano makakamit ang katarungan sa pagkamatay ng mga pulis.

Sa pagkamatay ng mga  pulis,  ano kaya ang gagawing aksiyon ng CHR? Wala akong naririnig na pahayag sa paglabag ng karapatang pantao ng MILF.

Dapat ay giyahan ng CHR ang MILF sa pagrespeto sa karapatang pantao lalo pa’t nagnanais ang rebeldeng grupo na pamunuan ang isang gobyerno sa ilalim ng Bangsamoro Basic Law.

Aantayin natin kung kailan maglalabas ng statement ang CHR na nagtatanggol sa mga namatay na pulis at nagkokondina sa MILF at BIFF na nakaeng­kuwentro ng PNP SAF.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

HUMAN RIGHTS

JEMAAH ISLAMIYA

MORO ISLAMIC LIBE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with