^

Punto Mo

Mamasapano clash at ang Bangsamoro Basic Law

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malungkot ang dapat sana ay pagdiriwang  ng buong pwersa ng PNP sa pagsapit ng kanilang ika-24 anibersaryo noong nakalipas na Lunes dahil sa naganap na madugong bakbakan sa Mamasapano sa Maguindanao Linggo ng madaling-araw.

Apatnaput-apat na tauhan ng PNP-Special Action Force ang nasawi sa naturang insidente nang makasagupa ang mas nakakarami umanong bilang ng MILF at ng BIFF.

Dahil sa pangyayari, tumindi ang panawagan na suspindihin muna  ang pagdinig sa Kongreso o di kaya ay tuluyan na  lang  ibasura ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Uminit ang usapin sa koordinasyon.

May pag-amin sa parte ng militar na nakipag-coordinate at humingi ng responde ang pamunuan ng PNP sa kanila pero mukhang hindi nakakilos ang AFP dahil umano hindi nakipag-coordinate sa kanila ang pulisya.

Ito ay sa kabila na binabakbakan na ang mga SAF eh hindi pa rin kumikilos ang  militar.

Tali nga kasi ang kamay ng militar sa pinaiiral na ceasefire agreement ng gobyermo at MILF.

Ayon sa MILF lumabag ang PNP sa pinaiiral na kasunduan at hindi rin ito nakipag-coordinate sa kanila.

Ang tanong tuloy ng marami, bakit kailangang magpaalam  ang mga pulis sa MILF, dala ng kapulisan ang warrant of arrest laban sa dalawang high value target  na terorista na kanilang aarestuhin.

Kahit saang anggulo lalo na nga’t ang  darakpin ay high profile criminals o terrorist na dito nanga­ngailangan ng matinding sikreto para hindi masunog ang operasyon.

Nabigyan na rin daw ba ng sariling lugar ang MILF na hindi na kailangang mapasok ng mga awtoridad lalo na sa lehitimong mga operasyon.

‘Misencounter’ daw ito, ayon sa liderato ng MILF. Pero ang hindi matanggap ng marami lalo na ng mga kaanak ng nasawing mga awtoridad, kung ito umano ay misencounter bakit halos kinatay ang ilan sa mga nasawing parak.

Wasak ang mga katawan na sinasabing dahil daw sa malalakas na kalibre ng armas na tumama sa mga ito, pero may mga taga, may pugot pa ang ulo, nakahubad ang ilan.

Dalawang senador na ang bumawi bilang mga co-author ng BBL dahil sa pangyayari.

Mukhang malayo pa nga yata ang ganitong usapin, lalo’t kung tutuusin ang MILF lamang ang kausap dito ng pamahalaan. Magkaayos man sa grupong ito, paano na ang iba pang grupo, mapayapa kaya ang mga ito, umayon kaya ag mga ito  o baka kaila­ngan na naman ng panibagong kasunduan o pag-uusap na naman na hindi na matapos-tapus.

vuukle comment

APATNAPUT

BANGSAMORO BASIC LAW

MAGUINDANAO LINGGO

MILF

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with