^

Punto Mo

Magnanakaw sa Amerika, bisto dahil sa ipuipo

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG magnanakaw sa Tennessee, USA ang nabisto matapos ta­ngayin at ikalat ng isang ipuipo ang kanyang mga ninakaw na kagamitan na nakatago sa kanyang tahanan.

Sinalanta ng isang ipuipo ang isang bayan sa Tennessee at kasama sa mga winasak ng malalakas na hangin ay ang bahay ng 26 taong gulang na si Jerrod Christian.

Nang makadaan na ang ipuipo ay nagsilabasan na sa kani-kanilang mga bahay ang mga tao upang tingnan ang pinsalang idinulot nito. Ganito ang ginawa ni Ed Creek, isa sa mga kapitbahay ni Jerrod. Pinuntahan niya ang tahanan ni Jerrod bilang pagmamalasakit sa kapitbahay na nagkataong wala noong mga panahong iyon.

Nagkalat ang mga gamit na tinangay mula sa loob ng bahay ni Jerrod­ kaya laking gulat ni Ed nang mapansin niyang isa sa mga ito ang kanyang nawawalang air compressor na hinihinala niyang ninakaw mga ilang araw na ang nakakaraan. Bukod sa kanyang air compressor ay nagkalat din sa bakuran ng bahay ni Jerrod ang iba pang mga kagamitan ng kanyang mga kapitbahay na dati nang iniulat sa mga pulis na ninakaw.

Kaagad namang pinuntahan ng mga imbestigador ang bahay ni Jerrod­. Tinatayang aabot sa ilang libong dolyar ang halaga ng mga gamit na sinasabing ninakaw ni Jerrod, na nakakulong pala nang tumama ang ipu­ipo dahil sa isang naunang reklamong isinampa sa kanya. Inaasahan namang sasampa­han siya ng hiwalay na reklamo para sa pagnana­kaw niya ng mga kagamitan ng kanyang mga kapitbahay.

vuukle comment

BUKOD

ED CREEK

GANITO

INAASAHAN

JERROD

JERROD CHRISTIAN

KAAGAD

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with