^

Punto Mo

‘Mata hindi bibig ang panghanap’

- Tony Calvento - Pang-masa

SA likod ng telepono tinig mo ang nagbibigay ng mukha sa ’yo at tatak sa mga taong makakausap mo.

“Boses ang puhunan ko. Kapag hindi na ako makahinga at makapagsalita ng maayos wala rin naman akong magagawang trabaho kahit pumasok pa ako,” wika ni Ella.

Bata pa lamang may ‘asthma’ o hika na si Maria Salvacion Ella Cualbar o Ella, 35 taong gulang, nakatira sa Pasay City. Nang magtrabaho siya sa Teletech Roxas Branch, ilang buwan pa lang siya dun bilang ‘call center agent’ ay inaatake na naman siya ng hika kaya’t hindi siya nakakapasok sa trabaho. Kwento ni Ella may ‘score card’ ang kanilang kompanya.  Kapag maganda ang naging aksiyon nila sa inilalapit na problema ng customer at nabigyan nila ng solusyon ito, tataas ang puntos nila.

“Bago pa ako sa Teletech kaya nasa probation period pa ako. Ang performance ko at score card ang pagbabasehan nila kung mareregular ako,” wika ni Ella. Nakapagtapos ng BS Accountancy sa University of the East si Ella. Tubong Bacolod siya ngunit nung magsimulang mag-college nagpunta na siya ng Maynila.

“Matagal na akong call center agent nasa anim na taon na. Ikapito ng Agosto 2014 nang atakihin ako ng asthma,” pahayag ni Ella.

Lahat naman daw ng kanyang mga absences ay dokumentado. Nagpasa siya ng ‘request for leave’ at ibinigay niya din ang kanyang medical certificate bilang pagpapatunay na siya’y nagkasakit. Limang linggo siyang hindi nakapasok dahil ayon sa kanyang doktor kailangan niya ng pahinga at hindi niya pa kakayaning magtrabaho.

“Bumabalik ako sa doktor para humingi ng certification na fit to work na ako. Ayaw niyang magbigay, hindi daw kaya ng katawan ko. Mas tinaasan niya pa ang dosage ng mga gamot,” salaysay ni Ella. Sa tuwing aatakihin siya hindi siya makahinga ng maayos at hindi makapagsalita kaya’t kahit pumasok siya hindi na siya makakapagtrabaho. Ika-15 ng Setyembre 2014 bumalik siya sa opisina nila. “Ang pasok ko nun mula alas singko ng umaga hanggang alas dos ng hapon. Nagrequest ako ng alas sais hanggang alas tres pinagbigyan naman nila ako,” sabi ni Ella. Isang araw lang siyang nakapagtrabaho sinumpong siya kaagad ng kanyang sakit. Napagpasyahan niyang mag-leave ulit at pansamantalang umuwi sa Bacolod para malayo sa polusyon. Habang dumadaan ang araw regular pa ding nagkakausap si Ella at ang kanilang supervisor na si Gomer Luzon. “Nagtetext na din siya na kung pwede mag-resign na lang daw ako dahil naaapektuhan ang team namin. Sumagot ako na nung Agosto wala namang naging problema at pareho lang din ang araw ng leave ko,” salaysay ni Ella.

Sagot sa kanya ni Gomer hindi daw patas yun sa kanyang team mates dahil bumababa ang score nila dahil sa pagliban ni Ella. Maging nang bumalik si Ella sa opisina nung ika-10 ng Oktubre ay pareho pa din ang sinasabi sa kanya ni Gomer.

“Pumayag na ako na magre-resign na lang ako. Naiintindihan ko naman siya na kailangan niyang magpakitang gilas dahil bago pa din siya. Alam ko namang hindi din ako mareregular dahil madami akong pagliban,” ayon kay Ella.

May naiwang mga gamit sa locker si Ella at nakilagay din dun ang isa niyang katrabaho. Nang bumisita ito sa kanya ibinigay niya ang susi. Oktubre 29, 2014 nalaman ni Ella na nakaalambre na lang ang kanyang locker at binuksan umano ito. Ayon din sa kanyang mga kasamahan tinanong daw ni Gomer kung ano ang locker number niya.

“Hinanap daw nito ang token at headphone. Yung token ginagamit namin yun para magkaroon kami ng access sa application. Siyam na libong piso daw yun,” pahayag ni Ella. Nagtanong siya kay Gomer kung bakit sagot daw nito pananagutan ito ni Ella at ibabawas na lamang sa back pay na mata­tanggap niya.

Paliwanag ni Ella imposibleng mapunta ang token at headset sa kanyang locker dahil araw-araw iniiwan nila ito sa pedestal. Tinitingnan din ng gwardiya ang kanilang mga gamit bago pa sila makalabas sa kanilang mga cubicle.  Yung token at headset niya daw ang nawawala. “Lumalabas na parang pinaghihinalaan niya akong kumuha nun. Sinabi niya din na naireport na ito sa management,” salaysay ni Ella. Pinatingnan niya sa kanyang katrabaho sa pedestal ang box niya na may token at headset at nakisuyong iabot kay Gomer. Tanong naman ni Ella may karapatan ba raw siyang magreklamo laban kay Gomer dahil personal niyang mga gamit ang nandoon. Ito ang inilapit niya sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Ella.

PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag tinawagan namin si Gomer Luzon upang linawin ang usaping ito. Ligal daw ang pagbukas nila ng locker dahil inireport niya ito at may dokumento siyang maipapakita. Hindi din daw totoo na pinagbintangan niyang ninakaw ni Ella ang nasabing mga gamit. “Ang dahilan kung bakit ko hinahanap ang token no show no call siya kaya binuksan ko ang locker. Nasa locker policy namin yun,” wika ni Gomer. Dagdag pa niya may nag-abot lang daw sa kanya ng nasabing mga gamit.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maaaring nasa locker policy ng kompanya na maaari mong buksan ang locker kahit na wala dun ang gumagamit nito ngunit iba ang nakasaad sa ating batas. Personal property ito ni Ella dahil siya ang kasalukuyang gumagamit nito. Hindi ito pupuwedeng buksan ng kung sinu-sino lalo na kung wala siyang permiso. Maaari nilang hilingin na si Ella ang nagbukas ng locker niya upang ipakita sa kanila ang nilalaman nito. Matapos naming makapanayam si Gomer pinayuhan namin si Ella na kausapin ito at kapag hindi sila nagkaayos at hindi naibalik ang ilang personal niyang gamit ay saka na siya magsampa ng kaukulang reklamo.  Nang makausap na niya si Gomer ay ibinalik naman nito ang naiwang laman ng kanyang locker. Masaya niya ring ibinalita sa amin na hindi na siya magsasampa ng reklamo laban dito.

“Maraming salamat po. Nagkaintindihan na kami at hindi na ako magsasampa ng kaso laban sa kanya at sila rin naman hindi magsasampa ng kaso laban sa akin,” pahayag ni Ella. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre Bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

AKO

DAW

DIN

ELLA

GOMER LUZON

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with