^

Punto Mo

Brazilian teenager, tinanghal na pinakamabilis na texter sa mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 17-anyos na lalaki mula sa Brazil ang tinanghal na pinakamabilis na texter sa buong mundo matapos mai-type sa kanyang smartphone ang isang mahabang pangungusap na binubuo ng 25 salita sa loob lamang ng 17 segundo.

Hindi ito ang unang beses na nakuha ni Marcel Fernandes Filho ang korona bilang pinakamabilis na texter sa buong mundo. Noong 2013, nakuha rin niya ang world record. Ngayon ay nakuha ulit niya ang titulo matapos niyang mahigitan ang dati niyang record na 18.19 segundo.

Upang masubukan ang bilis ni Marcel ay pina-text sa kanya ng mga opisyal ng Guinness Book of World Records ang pangungusap na ito: “The razor-toothed piranhas of the genera Serrasalmus and Pygocentrus are the most ferocious freshwater fish in the world. In reality they seldom attack a human.”

Gamit ni Marcel ang kanyang iPhone sa pagta-type nang makuha niya itong pinakabago niyang world record. Bawal siyang gumamit ng mga apps na automatic na magta-type ng mga salita. Sa madaling sabi, kailangan niyang i-type ng buo ang bawat salita na nasa pangungusap na ibinigay sa kanya.

Ayon kay Marcel, natuto siyang mag-text ng napakabilis simula noong nasira ang kanyang computer. Dahil wala siyang pambili ng bago ay laging sa smarthphone na lamang niya siya nag-i-internet at nag-e-email kaya nasanay siya sa paggamit nito.

vuukle comment

AYON

BAWAL

DAHIL

GAMIT

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

MARCEL FERNANDES FILHO

NGAYON

NOONG

SERRASALMUS AND PYGOCENTRUS

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with