^

Punto Mo

‘Mga pangakong paulit-ulit na napapako’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAPANSIN-PANSIN ngayon ang kasipagan ng mga nasa pwesto o may mga tungkulin sa gobyerno.

Bawat isa agresibo sa kanilang mga pangako at pagbibigay ng mga pahayag sa harap ng telebisyon at mikropono.

Kaniya-kaniyang komento sa mga isyu at kaganapan na kung tutuusin noon pa dapat nila ginawa at sinolusyunan.

Palaisipan tuloy sa BITAG Live at sa taumbayan ang kanilang intensyon at sadyang pagpapatagal para mag-iwan ng tatak sa publiko, kung sa englis, “recall.”

Oo nga naman, bakit nila gagawin at tatapusin ngayon kung pu-pwede naman gawin nalang kapag ilang buwan nalang ang pagitan bago ang eleksyon.

Maaaring hindi na ito napapansin ng karamihan dahil sa dami ng mga basurang naglalabasan sa ere. Subalit, importanteng maintindihan at mapukaw si Juan Dela Cruz.

Nitong nakaraang araw, kasabay ng paggunita sa ika-limang taong anibersaryo ng malagim na Maguindanao Massacre, sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na sa taong 2016, mayroon na daw mapapanagot o mapapatawan ng parusa.

Nirerespeto ko ang kalihim at wala akong masamang tinapay sa kaniya subalit, dapat lang naman talagang may managot dito. Dahil hanggang ngayon, maraming mga pamilya pa rin ang tahimik na nagdurusa sa kabagalan ng hustisya.

Maliban dito, nagsalita rin ang pamunuan ng Philippine National Railway (PNR). Papagandahin daw nila ang kanilang mga pasilidad at imprastruktura sa susunod na taon, 2015. Mayroon na daw silang inilaan na P2.5 bilyon dito.

Kung tutuusin, matagal na ang mga problemang ito. Pero ngayon lang sila ulit nag-iingay at nagkakandaipot-ipot para pilit maalala ng publiko.

Marami pa ang mga maglulu­tangang iniluklok sa pamahalaan na magsasalita at mangangako.

Wala nang pakialam ang taumbayan kung sino ang nakaupo basta gawin nalang nila ang tamang pagbibigay-serbisyo.

Dahil kung puro lang din naman pala pangako at kaplastikan na kunwari’y magbibigay-simpatya pa base sa mga isyu at kaganapan, lokohin n’yo ang lelong n’yong panot!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

BAWAT

DAHIL

JUAN DELA CRUZ

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

KANIYA

MAGUINDANAO MASSACRE

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with