^

Punto Mo

Para-paraan para trapik, maibsan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isa sa naisip na paraan ng MMDA sa pakikipagtulungan ng mga mall operators  ay ang magpatupad ng “staggered sche-dule” o iba-ibang oras na bukas at sara ng mga mall para umano maibsan ang mas tumindi at titindi pang trapik ngayong buwan ng Disyembre.

Aba’y talaga namang grabe ang trapik, hindi pala, lalu palang grumabe ang trapik.

Ang kahabaan ng Edsa  nagmimistulang mahabang parking dahil sa mahabang pila ng naiipit na sasakyan.

Kung gabi naman, haba ng nakapilang sasakyan mistulang  Christmas light na kumukutikutitap dahilan sa brake lights.

Kaya nga isa sa nakitang solusyon o pambawas sa kalbaryo ng trapik eh ang iba-ibang oras ng bukas at sara ng mga mall partikular ang nasa kahabaan ng Edsa.

Sa dami raw kasi ng mamimili ngayon lalu na sa susunod na buwan eh lalu pa itong titindi.

Sa staggered schedule, may magbubukas ng maaga na magsasara rin ng maaga, at ’yung late na magbubukas late din na magsasara depende sa napiling oras ng mall operators.

Pero sa Disyembre 24 at  31, sa bisperas ng Pasko at bisperas ng Bagong Taon ay balik sa regular oras (alas-10:00 ng umaga ang bukas at alas-9:00 ng gabi ang sara) ang mga ito.

Samantalang pagsapit ng Disyembre 25 at Enero 1, 2015 ay magbubukas naman ng alas-12:00 ng tanghali at  magsasara ng alas-8:00 ng gabi.

Nauna nang ipinasuspinde ng MMDA simula sa Disyembre 15 ang lahat ng konstruksyon o repair sa mga pangunahing lansangan na isa pa sa nagiging dahilan ng trapik. 

Dapat ding mabigyan naman ng aksyon o plano ang matindi na namang pagkakabuhul-buhol ng mga trak sa Maynila papuntang pantalan.   Ano naman kaya ang pwedeng gawing plano rito?

 

vuukle comment

ANO

BAGONG TAON

DAPAT

DISYEMBRE

EDSA

ENERO

ISA

KAYA

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with