^

Punto Mo

EDITORYAL - Mahirap bang magsuot ng protective gear?

Pang-masa

HANGGANG ngayon, isyu pa rin ang ginawang pagbisita ni Acting Health Secretary Janette Garin at Armed Forces Chief of Staff Gregorio Catapang sa 133 peacekeepers sa Caballo Island noong nakaraang Linggo kahit walang personal protective equipment (PPE). Sabi ni Garin, hindi raw sila nagsuot ng PPE sapagkat hindi ito designed sa mahabang oras na pagsusuot at maaaring malagay sa panganib ang kalusugan ng sinumang magsusuot. Dapat daw ay 45 minutes lang itong isusuot at pagkatapos ay itatapon na. Disposable daw kasi ang PPE. Hindi na raw sila kailangang magsuot ng PPE sapagkat 10 minuto lamang silang nakipag-usap sa mga sundalo at ang tsansa na makakuha sila o ma-infect ng deadly virus ay napaka-imposible. Sabi pa ni Garin, bago raw sila nagtungo sa Caballo Island, kumunsulta muna siya sa World Health Organization (WHO).

Pero hindi ganito ang nakikita sa ginawang pagdalaw nina Garin sa peacekeepers, parang gusto nilang patunayan na wala namang dalang Ebola ang mga ito at hindi dapat katakutan. Kung natitiyak na pala nila na walang taglay na sakit ang mga sundalo, ano pa ang silbi at dinala ang mga ito sa Caballo. Kung walang dapat ikatakot, bakit hindi payagan ang pamilya ng mga sundalo na makadalaw sa mga ito.

Marami ang hindi sumasang-ayon sa ginawa ni Garin at Catapang na pagbisita sa mga sundalo na walang pananggalang laban sa virus. Sila na mismo ang lumabag sa pinag-uutos na dapat magsuot ng protective equipment ang sinumang makakahalubilo sa mga naka-quarantine. Mahirap bang magsuot ng pananggalang sa Ebola?

Maski ang Senado ay nag-aagam-agam sa pakiki-pagharap kay Garin. Sabi ni Sen. Chiz Escudero, hindi siya tututol kung magsuot ng PPE si Garin sa pagharap nito sa Senado. Sabi naman ni Sen. Pia Cayetano, dapat ipagbawal muna ang pakikipagkamay at beso-beso.

Hindi sana sinuway ang direktiba at nagpakita ng example para maiwasan ang sakit. Ayon sa report, nasa 5,177 na ang namatay sa buong mundo dahil sa Ebola outbreak at 2,812 rito ay naitala sa Liberia. Hindi biro ang ganitong tala at naghahatid ng pangamba.

 

vuukle comment

ACTING HEALTH SECRETARY JANETTE GARIN

ARMED FORCES CHIEF OF STAFF GREGORIO CATAPANG

CABALLO ISLAND

CHIZ ESCUDERO

EBOLA

GARIN

PIA CAYETANO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with