^

Punto Mo

EDITORYAL – ‘Hoodlum in robes’

Pang-masa

MASKI sa korte ay laganap din ang katiwalian. Nagkalat din dito ang mga tinatawag na “fix-cal”, “pera-secutor”, na hindi aakalaing sa likod ng makapal at magarang roba na kanilang kasuutan ay nakatago ang isang hoodlum. Basta may pera, madali lang ang lahat. Kayang bilhin ang pagkapanalo ng kaso. Wala nang marami pang usapan, basta gustong manalo sa usapin, magbigay lang ng pera at parang walang nangyari. Sarado na ang kaso, mabilis pa sa alas kuwatro. Babay na sa mga nagsampa ng kaso.

Kaya hindi na nakapagtataka ngayon na mara-ming kaso sa korte ang nababasura sa kabila na may mabibigat na ebidensiya. Kahit nakikita nang nagsampa ng kaso na may laban siya, nababaliktad ang desisyon. Paano nga’y nabili na ang “perasecutor”. Nasilaw na ito sa kinang ng pera. Bulsa muna ang una at hindi ang pagtitimbang sa kaso na siya niyang sinumpaang gagawin. Wala nang halaga ang serbisyo para makamit ang inaasam na hustisya.

Labis na nakadidismaya ang balita ukol sa isang prosecutor sa Quezon City na inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraang linggo sa aktong inaabot ang P80,000 mula sa isang sinampahan ng kaso. Ang P80,000 umano ay kabayaran para sa dismissal ng kaso na isinampa ng isang military chaplain noong 2010.

Inaresto ng NBI si QC prosecutor Raul Desembrana dahil sa paghingi nito ng pera kay Alex Montes, isang doctor at kasapi ng Morong 43 --- mga health workers na inaresto ng military noong 2010 dahil sa pagiging komunista. Isang retired military chaplain ang nagsampa ng unjust vexation kay Montes. Nangyari ang intrapment operation sa isang restaurant sa Quezon City Memorial Circle.

Nakaka-depressed ang pangyayaring ito kung saan isang nagpapatupad ng batas ang sangkot sa paghingi ng pera para ibasura ang kaso. Ganito na ba kababa o kadupang sa pera ang mga nasa katungkulan? “Justice for sale” na ba talaga ang kalakaran ngayon? Dapat magkaroon ng paglilinis sa mga korte. Hindi nararapat mangibabaw ang mga “fix-cal”, “pera-secutor” at mga “hoodlum in robes”. Dapat silang sipain at kasuhan.

vuukle comment

ALEX MONTES

DAPAT

ISANG

KASO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PERA

QUEZON CITY

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with