^

Punto Mo

Manong Wen (120)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“S IGURADO akong diyan nagdadaan sa pagtakas si Chester kaya hindi siya mahuli ng mga pulis,” sabi ni Jo kay Princess. “At sigurado rin na sa kanya ang convenient store na ’yan dahil sa pangalan pa lang, halata na.’’

“Oo Jo. Sa kanya nga ‘yan dahil ang buong pa­ngalan niya ay MARC CHESTER. Alam ko dahil kaklase ko siya at minsan nang naging­…’’

“Karelasyon?’’

“Pinagsisisihan ko ang nangyaring iyon. Mabuti na lang at bago may nangyari sa amin ay natuklasan ko ang kawalanghiyaan niya.’’

‘‘Walang nangyari sa inyo, Princess?’’

‘‘Wala. Minsan akong nahalikan pero itinuring kong halik ng demonyo ‘yun. Kapag nakita ko siyang muli, halik ng arnis ang ipatitikim ko sa kanya.’’

Natahimik si Jo.

Napansin iyon ni Princess. ‘‘Ba’t ka natigilan, Jo?’’

‘‘Wala naman. Naalala ko lang yung kinuwento mo na muntik ka nang gahasain nang hayop na si Chester. Kung nagkataon pala ay naging biktima ka.’’

‘‘Oo nakatakas lang ako kaya hindi niya naituloy ang balak. Lasing na lasing kasi siya noon. Nagkunwari naman ako na payag sa gusto niya. Pero nilansi ko lang siya.’’

‘‘Siguro’y kaya ka nakaligtas sa rapist na yun ay dahil tayong dalawa ang nakatakdang maging mag-asawa. Ano sa palagay mo, Princess?’’

“Oo, Jo. ‘Yun din ang kutob­ ko. Kaya gusto ko kapag nalutas na natin ang problemang ito at naipakulong si Chester, magpakasal na tayo. Tamang-tama na tapos na ako ng pag-aaral.’’

‘‘’Yan din ang balak ko Princess. Gusto ko, pakasalan na kita para malubos na ang ating ligaya. Siyanga pala, alam na ba ni Precious na mayroon na tayong relasyon.’’

“Hindi ko pa sinasabi pero palagay ko, nahahalata na niya. Matalino rin kasi si Precious.’’

Hinawakan ni Jo ang kamay ni Princess at pinisil.

Pagkatapos ay niyaya na si Princess sa loob ng MARC CHESTER store.

“Tingnan natin ang loob. Baka sakaling makita natin kung saan ang lagusan na dinadaanan.’’

Pumasok sila sa loob.

Nagkunwari silang may binibili pero malikot ang mga mata at naghahanap sa umano’y sekretong lagusan ni Chester.

“Saan kaya rito ang la­gusan?’’

“Hindi kaya diyan sa tinatapakan mo, Jo?’’

Tiningnan ni Jo ang tina­tapakan.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ANO

CHESTER

HINAWAKAN

NAGKUNWARI

OO

OO JO

PRINCESS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with