^

Punto Mo

Manong Wen (98)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

N AGSISISI si Jo kung bakit hindi na lang tiniis ang nararamdamang sama ng katawan kagabi. Sana ay hindi siya nag-aalala ngayon sa kalagayan ni Princess at Precious. Sana, kahit masakit ang katawan ay nagmanman siya kagabi rito. Gusto niya, hindi mawalay sa kanyang mga mata ang magkapatid.

Gaya ngayon, hindi niya alam kung bakit tahimik na tahimik sa bahay nina Princess. Nang makapasok siya, tila walang tao. Naalala niya ang dalawang lalaki na nag-aabang kay Princess sa gate ng school. Hindi kaya may nangyari kay Princess? Hindi kaya pinasok ito ng dalawang lalaki at tinangay?

Binilisan ni Jo ang kilos. Sinilip niya ang kuwarto ng magkapatid. Walang tao. Sunod na sinilip ay ang kuwarto ni Manong Wen. Sa kuwartong iyon siya natulog noon. Wala rin doon.

Kinabahan na si Jo. Baka may nangyari? Baka kagabi nagtungo rito ang dalawang lalaki at isinagawa ang plano. Baka tinangay na ng mga tauhan ni Chester sina Princess?

Hanggang sa ang banyo ang pinuntahan ni Jo at baka sakaling naroon si Princess. Pero dapat nakarinig siya ng bagsak ng tubig kung naroon si Princess. Tahimik na ta­himik sa banyo.

Lumapit siya. Dahan-dahan­. Bahagyang nakaawang ang pinto ng banyo. Sinilip niya kung may tao.

Napaatras siya! Naroon si Princess! Naliligo si Princess!

Nagdalawang isip si Jo kung sisilipin muli. Kasalanan iyon. Gusto niyang igalang si Princess.

Pero hindi niya natiis. Sumilip siya. Pinatutuyo na ni Princess ang katawan. May hawak itong tuwalya.

Kaya pala wala siyang nari­rinig na bagsak ng tubig ay dahil tapos nang maligo. Kaya pala tahimik na tahimik ay nasa loob ng banyo.

Napakaganda talaga ni Princess. Parang hindi na siya tatagal. Gusto na niyang lumantad at harapin si Princess. Gusto na niyang masimsim ang kariktan ni Princess. Pero baka masamain ni Princess. Baka hindi naman siya type ni Princess.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAHAGYANG

KAYA

MANONG WEN

PERO

PRINCESS

SANA

SINILIP

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with