^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Isang term lang mga boss ko’

Pang-masa

MABUTI naman at tinapos na ni President Noynoy Aquino ang mga espekulasyon nang muli niyang pagtakbo sa 2016 elections sakali at ma­amyendahan ang Konstitusyon. Noong Martes, nang magsalita sa harap ng mga negosyante, sinabi niya na ang pag-eextend ng termino nang higit sa anim na taon ay hindi tamang solusyon para mapaunlad ang ekonomiya. Ang tama raw solusyon ay piliing mabuti ng mga botante ang ihahalal na Presidente sa 2016. Maging matalino sa pagboto.

Kaya sarado na ang isyu sa pagtakbo ni P-Noy. Maaaring pinakinggan ni P-Noy ang kanyang mga “boss” kaya inihayag na ang desisyon na wala nang planong tumakbo. Sabi ng Presidente noon, kukunsultahin niya ang kanyang mga “boss” sa planong pagtakbo sa ikalawang termino. At marahil, “No” ang sagot ng kanyang mga “boss’’.

Sa survey ng Pulse Asia noong Setyembre 8-15, anim sa bawat 10 Pilipino ang tutol na tumakbo sa ikalawang termino si P-Noy. Maaaring ang survey ang pinagbasehan ni P-Noy kaya nagbago na ang pasya. Malinaw sa survey na wala nang interes ang mamamayan sa pagtakbo sa ikalawang termino ng Presidente. Mas gusto nila na bumaba ito sa puwesto sa pagtatapos ng termino sa 2016. Mas gusto nila na bago namang Presidente. Kailangan ay makakita sila ng pagbabago at mangyayari iyon kung bago ang ihahalal na Presidente.

Ngayong nagwakas na espekulasyon sa pagtakbo, maipopokus na ang panahon sa pagpapaunlad ng bansa. Makakapagplano para magkaroon ng magandang buhay ang kanyang mga “boss”. Marami pang magagawa sa nalalabing mga taon ng panunungkulan.

vuukle comment

KAILANGAN

KAYA

KONSTITUSYON

MAAARING

NOONG MARTES

P-NOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PULSE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with