^

Punto Mo

‘Patay ka na ba mahal (?)’

- Tony Calvento - Pang-masa

MALAMIG na ihip ng hangin at liwanag na di mo alam kung saan nagmula. Ito ang mga pangitain niya na sumakabilang buhay na ang kanyang asawa.

“Ilang taon ko na siyang hinahanap. Pinuntahan ko na lahat ng kakilala namin pero hindi namin siya matagpuan,” simula ni Lita.

Abril ng taong 2000 nang atakihin sa puso ang mister ni Herlelita Padura o Lita, 66 na taong gulang na si Jaime. Mula nun naparalisa na ang kanan nitong katawan.

“Hindi na siya gaanong makasulat at maging ang pagsasalita niya naapektuhan din. Hinihila niya na ang paa kapag nagla-lakad,” wika ni Lita. Kwento ni Lita nung kabataan ng kanyang mister ay ginagawa nitong tubig ang gin. Dati din itong nagtrabaho sa Rattan Arts Furniture sa ‘maintenance’. Dito daw nakompleto ni Jaime ang hulog sa SSS. Nang magbitiw sa kanyang trabaho si Jaime pinasok naman nila ang pagtitinda sa palengke at nitong huli ay naging drayber na ng traysikel. Mula nang atakihin ito noong 2000 lagi na lang ito sa bahay. May pagkakataon daw na naiinip ito at naglalakad-lakad. Ang mga kasamahan nitong traysikel drayber ang naghahatid sa bahay dahil hindi na ito gaanong nakakaalala. Regular daw naman itong tumatanggap ng pensiyon sa SSS dahil nag-file na sila para sa ‘disability pension’.

“May mga oras na talagang nakakalimot siya. Nilalagyan ko siya ng maliit na papel sa bulsa kung saan nakasulat ang buong address at contact number namin,” salaysay ni Lita. Taong 2003 ng sunud-sunod na mawala si Jaime. Tumawag na lang ang kapatid nito na napadpad sa kanilang lugar si Jaime. Pangalawang beses nang nawala ito at parehong natagpuan sa kapatid. Nobyembre naman ng 2003 nang hindi na nila mahanap si Jaime. Nakita nila sa labas ng kanilang bahay ang maliit na papel na inilalagay niya sa bulsa nito.

“Nagpunta kami ng barangay para magpablotter at nang hindi na talaga siya makita pumunta na kami sa pulis,” pahayag ni Lita.

Hindi na nila natagpuan pa si Jaime. Patuloy pa din silang nakikibalita kung nasaan na ang mister niya ngunit walang nakakakita dito.

“Nung 2005 nagpunta ako ng SSS para malaman kung may benepisyo ba akong makukuha,” ayon kay Lita. Nararamdaman niya umanong patay na ang mister dahil iniisip  niyang baka inatake ito ulit.

“Sagot ng SSS sa akin pwede daw akong mag-file ng pensiyon para sa missing person pero kailangan ko munang maghintay ng pitong taon,” salaysay ni Lita.

Paliwanag daw sa kanya mula nang mawala ang tao ay pwede nang ideklarang nawawala o patay ito sa loob ng pitong taon. Naghintay ng sampung taong si Lita at muling nagbalik sa tanggapan ng SSS. Ayon sa kanyang nakausap doon kailangan niya munang mag-file para sa ‘death benefits’.

“Sinubukan kong mag-file ng death claims kaso wala naman akong requirements. Unang hihingiin sa ‘kin death certificate. Wala naman akong alam dahil talagang hindi na namin mahanap ang mister ko,” pahayag ni Lita.

Oktubre 2013 nang ipalathala nila sa diyaryo ang pagkakawala ni Jaime. Tumagal ito ng tatlong buwan upang malaman kung buhay ito. “Wala namang kumontak sa akin. Mula nun inayos ko na ang mga dokumentong kailangan para makakuha ako ng pensiyon. Hunyo 30, 2014 may stab na ako na natanggap nila ang kahilingan ko,” kwento ni Lita. Agosto 2014 bumalik ulit siya sa tanggapan ng SSS at ipapa-scan daw muna ito. Sinabihan din siya na ayusin muna ang funeral claim. “Sinabi ko na nga sa kanila na wala akong death certificate dahil nawawala ang mister ko,” ayon kay Lita. Nais malaman ni Lita kung ano ang hakbang na maaari niyang gawin upang masiguro kung may makukuha ba siyang benepisyo mula sa SSS. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa aming tanggapan.

BILANG TULONG kinapanayam namin sa aming programa si Ms. Mae Rose Francisco ng SSS Main Office upang masagot ang lahat ng katanungan ni Lita.

“Gumawa kayo ng salaysay na nagsasabi na hindi ninyo alam kung nasaan ang katawan ng mister ninyo dahil siya’y nawawala. Kapag ganyan ang sitwasyon hindi niyo makukuha ang burial benefits dahil wala kayong mga resibo na nagsasabi na gumastos kayo sa pagpapalibing,” pahayag ni Ms. Mae.

Dagdag pa ni Ms. Mae nitong Hunyo 30, 2014 lang daw nai-file ang hinihinging pensiyon ni Lita kaya’t sa kasalukuyan ay iniiscan pa ito.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Lita.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung kumpleto ka na sa dokumento at naipasa na ito sa SSS kailangan na lamang hintayin ang iyong pensiyon. Ito’y dadaan pa sa pag-iimbestiga ng opisina kung ang mister mo nga ba’y nawawala na maaaring ipagpalagay na siya’y patay na.

Sa loob ng mahabang panahon naipa-blotter at napalathala na ninyo ito kaya’t kapag sinuri ito ng SSS ay maaari na kayong bigyan ng pensiyon. May katagalan nga lang dahil ito’y ‘presumptive death’. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

DAHIL

JAIME

KUNG

LITA

NANG

SIYA

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with