^

Punto Mo

3 Kuwento ng mga Pagkakataon

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Litrato

Walang tigil sa paghahanap ng kanyang anak si Michael Dick ng Suffolk County England. Sampung taon nang nawawala ang kanyang anak na si Liza. Naisipan niyang magpatulong sa media kaya pumunta siya sa opisina ng Suffolk Free Press. Kinunan siya ng picture upang ilathala sa diyaryo kasama ang kanyang panawagan at picture ng nawawalang si Liza.

Nabasa ni Liza ang panawagan sa diyaryo at naging masaya ang reunion ng mag-anak. Pero ang nakakatuwa, nang rebyuhin ang picture ni Michael Dick na nalathala sa diyaryo,  nasa likod niya si Liza na nagkataong napadaan sa likod ng ama nang kunan ito ng photographer.

Kumuha ng exam si James Bond 007

Isang 15 year old na estudyante mula sa North Wales ang kumuha ng GCSE (General Certificate of Secondary Education). Ang examination reference number­ ng kanyang test paper ay 007. Ang pangalan ng estudyante ay James Bond. Ang GCSE ay eksamen na ibinibigay ng England at Wales sa mga estudyante­  sa high school. Kahalintulad ito ng ating NCEE.

Practice what you preach

Isang negosyanteng nagngangalang Danie de Toit ang nagbigay ng speech sa isang grupo ng mga negosyante sa South Africa. Sa huling bahagi ng kanyang speech ay ganito : “Watch out, because death can strike you down at anytime”

Pagkatapos ng speech ay isinubo niya ang peppermint candy (matigas na candy) sa kanyang bibig at aksidenteng nabilaukan. Sa isang iglap ay namatay siya.

vuukle comment

DANIE

GENERAL CERTIFICATE OF SECONDARY EDUCATION

ISANG

JAMES BOND

MICHAEL DICK

NORTH WALES

SOUTH AFRICA

SUFFOLK COUNTY ENGLAND

SUFFOLK FREE PRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with