^

Punto Mo

Dambuhalang bersyon ng scrabble, nilaro sa isang stadium sa UK

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LAMPAS anim na dekada na ang larong Scrabble ngunit alam n’yo bang noong ika-50 ani­bersaryo ng sikat na board game ay ginanap ang sinasabing pinakamalaking laro nito sa buong mundo?

Ipinagdiwang noong 1998 ang ika-50 anibersaryo simu­la noong unang ipinagbenta sa publiko ang Scrabble at kasama sa selebrasyon ang paglalaro ng isang dambuhalang  bersyon ng laro sa Wembley Stadium sa London.

Kinailangang sa Wembley Stadium idaos ang paglalaro ng Scrabble dahil sa laki ng board at tiles na ginamit. Halos umabot sa isang kilometro kuwadrado ang lawak ng game board para sa dambuhalang Scrabble na ito samantlang ang mga tiles naman ay may taas na 6.5 talampakan at lampas isang talampakan ang kapal. Dahil sa laki ng mga tiles na ginamit, kailangang dalawang tao ang magbuhat ng mga ito.

Mga koponan mula sa British Army at Navy ang naglaro sa higanteng Scrabble board. Tinulungan din ang bawat koponan ng mga pinakamagagaling na manlalaro ng Scrabble sa United Kingdom. Sa huli ay nanalo ang British Navy na lumamang lamang ng dalawang puntos sa kanilang mga kalaban mula sa British Army.

 

vuukle comment

BRITISH ARMY

BRITISH NAVY

DAHIL

IPINAGDIWANG

KINAILANGANG

TINULUNGAN

UNITED KINGDOM

WEMBLEY STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with