^

Punto Mo

High blood: Ano ang solusyon?

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

KAPAG ang blood pressure n’yo ay palaging lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may high blood ka na. Ang normal na blood pressure ay mas mababa sa 140 over 90. Ang pinakamainam na blood pressure ay mga 120 over 80.

Mayroong 2 klaseng gamutan sa high blood: (1) ang pagbabago sa pamumuhay o lifestyle changes at (2) ang pag-inom ng gamot. Kung ang blood pressure n’yo ay bahagyang lumampas pa lamang sa 140 over 90 at wala naman kayong nararamdaman, baka makuha pa natin ito sa pamamagitan ng pagbabago sa pamumuhay.

Ngunit kapag lampas sa 160 over 100 ang iyong presyon o may sintomas na kayong nararamdaman, kailangan niyo nang uminom ng gamot sa high blood.

Natural na paraan:

1. Magbawas ng timbang. Kapag kayo ay lampas sa timbang, mas tataas ang iyong blood pressure. Kung maibababa niyo ang iyong timbang ng 10 pounds, ay bababa rin ang iyong blood pressure ng 10 points.

2. Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong. Bawasan din ang pagkain ng noodles, daing, tuyo at sitsirya. Kapag ginawa niyo ito, siguradong bababa ang iyong blood pressure.

3. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Gawin ito ng 30 minutos hanggang 1 oras. Piliin ang ehersisyo na angkop sa iyong edad. Puwede ang jogging sa mga bata at pag­lalakad o taichi sa mga may edad.

4. Matulog ng 7 hanggang 8 oras. Magpahinga at mag-deep breathing kapag ika’y napapagod.

5. Magbawas ng trabaho. Ang sobrang daming ginagawa ay puwedeng magdulot ng high blood. Gawin lang ang sapat na trabaho sa isang araw.

6. Huwag palaging magagalit. Posibleng tumaas ng 50 points ang iyong blood pressure kapag ika’y galit na galit.

7. Labanan ang init na panahon. Ang mainit na klima ay may epekto rin sa may high blood. Uminom ng sapat na tubig sa isang araw. Umiwas sa araw at magpalamig.

8. Mahalagang paalala: Hindi gamot sa high blood ang pagkain ng bawang o pineapple juice. Masustansya ang mga ito pero hindi ito sapat para bumaba ang iyong presyon.

Mabisang gamot sa high blood:

Kapag mataas talaga ang iyong presyon, kailangan mo nang uminom ng maintenance na gamot.

Ang isa sa pinakamabisang gamot sa high blood ay ang Amlodipine 5 mg tablets na mabibili sa mga generics na botika. Nagkakahalaga lamang ito ng P5 bawat tableta. Ang pag-inom nito ay puwedeng kalahating tableta o 1 tableta lang bawat araw. Mura na, mabisa pa.

Ngunit magpatingin muna sa iyong doktor bago uminom ng kahit anong gamot. Ang iyong doktor lamang ang makapagsasabi kung ano ang babagay sa iyo.

Sa mga may high blood, huwag pong matigas ang ulo. Inumin na ang iyong maintenance na gamot. Siguradong gaganda ang iyong pakiramdam at hahaba ang iyong buhay. Good luck po!

vuukle comment

BLOOD

GAMOT

GAWIN

HIGH

IYONG

KAPAG

MAGBAWAS

NGUNIT

PRESSURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with