^

Punto Mo

‘Pekeng recruiter’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA mga nag-aasam na makasakay ng barko o mga gustong mag-seaman, ang kolum na ito ay para sa inyo.

Marami kasi ang mga nagpapanggap, nagpapakilalang nagta-trabaho sa isang shipping company pero ang gusto lang pala ay makapanloko.

Hindi na bago ang modus na ito subalit marami pa rin ang mga nabibiktima.

Nitong Lunes, isang seaman ang nadenggoy ng putok sa buhong manggagantso ang lumapit sa BITAG T3.

Ang suspek, kapitan umano ng barko. Bumaba lang sa pinagtatrabahuhan para mag-recruit ng mga bagong sasampa.

Para makapanghikayat, mataas na posisyon ang ipinapangako niya sa mga target victim. Ang shipping company umano, naka-base sa ibang bansa at mataas ang sweldo.

Subalit, tatlong taon na ang nakalilipas, ang kaniyang mga aplikante, hindi pa rin nakakasakay ng barko.

Isa si “Lito” sa mga nabiktima ni Bartolome Tolentino sa modus na ito. Ayon sa kaniya, umabot ng mahigit-kumulang P90,000 ang naibayad niya kay kolokoy bago tuluyang hindi na ito nagpakita.

Walang kadala-dala ang kumag na illegal recruiter na ito. Abril pa nitong taong kasalukuyan nang inilantad ng BITAG T3 ang kaniyang panggagantso.

Pero tuluy-tuloy pa rin si Bartolome sa kabila ng apat na warrant of arrest na inisyu sa kaniya ng korte.

Ayon sa Anti-Crime Transnational Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (ACTU-CIDG), dalawang beses na rin nilang naaresto ang suspek at matagal nang nasa order of battle ng ahensya.

Kaya all points bulletin ng BITAG sa mga nag-aasam ng trabaho, tiyakin ninyong mabuti ang mga nag-aalok sa inyo upang hindi kayo masama sa estatistika ng mga nabibiktima.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

ABRIL

ANTI-CRIME TRANSNATIONAL UNIT

AYON

BARTOLOME

BARTOLOME TOLENTINO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

NITONG LUNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with