^

Punto Mo

Prutas na gamot, gamot na prutas

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

“MAHILIG ka sa mangosteen?” tanong ng aking kakilala na kausap ko sa telepono.

“Oo, favourite fruit ko ‘yun” sagot ko.

Anong gulat ko nang pagkaraan ng 30 minuto ay nasa harapan ko na ang kakilalang ito, bitbit ang isang kaing na mangosteen­. Nasa katabing subdivision lang ang bahay nila kaya ganoon kabilis. Nagtaka ako. Nahalata ito ng aking kakilala.

“Nag-e-experiment kami. Marami raw nutrients ang mangosteen­. Magandang gawing food supplement.”

“Bakit mo ipinamimigay? Baka wala na kayong magamit sa experiment. Ang mahal  nyan. Mga P200 plus per kilo sa supermarket”

“Balat ang kailangan,  hindi ang laman/buto. Kaya pakiki­usapan ko kayo na maging taga-sipsip ng buto. Tawagan mo ako kapag ubos na at babalikan ko ang mga balat.”

Nagtatrabaho sa isang pharmaceutical company ang aking kakilala. Ilang kaing din mangosteen ang pinagtulong-tulungan naming ngasabin mag-anak. May maid pa kami noon. Enjoy na enjoy ang bruha sa paglaklak. ‘Yun ang trabahong kahit walang suweldo ay enjoy gawin – taga-kain ng laman dahil balat ang kailangan.

That was 7 years ago. Ngayon marami nang ibinebentang  kapsula mula sa mangosteen. Marami na rin itinitindang  mangosteen fruit sa palengke, hindi kagaya noong araw na sa supermarket lang o sa Farmer’s Cubao ako nakakabili nito. At mura lang ang presyo ngayon, P80 per kilo sa palengke. Noong natuklasang mainam itong prutas at ginagawa nang kapsula,  marami nang magsasaka ang nagtanim nito.

Noong minsan, supplier naman ng dahon ng guyabano ang hinahanap ng aking kakilala. Sa internet, marami nang artikulo ang lumabas tungkol sa benepisyong makukuha sa guyabano. Ang maganda sa guyabano, hindi lang prutas ang magagamit kundi pati dahon. Nalaman kong kakaunti pa rin sa probinsiya ang nagtatanim nito.

Kung mayroon man ay aksidente lang ang pagtubo at pinalaki na lang. Lansones at niyog lang ang seryosong inaalagaan. Ang payo ko sa mga magsasaka at may ari ng malawak na bukid, simulan na ninyong magtanim ng guyabano. Tiyak, darating ang panahon, magiging in demand hindi lang ang prutas, pati na ang dahon nito.

vuukle comment

ANONG

BAKIT

CUBAO

ILANG

KAYA

LANG

MAGANDANG

MARAMI

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with