^

Punto Mo

10 Istorya ng ‘True Love’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Elementary Graduation

Hinalikan siya ng kanyang crush na si Lily. Sabay sabay sabing: I will miss you friend. Sa probinsiya ni Mommy kami magpapalipas ng summer vacation. Pagkakataon na sana niyang gantihan ng halik sa pisngi si Lily. At sana sinabi na rin niyang “ I’ll miss you too. Kahit parinig man lang, o kahit paramdam na love niya ito. Ewan ba niya…ang torpe, torpe niya.

High School Graduation

Hinalikan siya sa pisngi ni Lily. Napakislot siya. Ngali-ngaling gantihan niya ng lips to lips  para naman kahit paano ay madampian niya ang very virgin lips nito. Weh, paano niya gagawin iyon, ni hindi nga masabi kay Lily ang kanyang nararamdaman, i-lips to lips pa kaya.

Hindi na kasi crush ang nararamdaman niya. Nag-level up na ang feeling niya dito. True love na. Sure siya, pero ang lintek, at pati katorpehan niya ay sumabay na nag-level-up. Tsk, tsk…magkaiba pa naman sila ng university na papasukan. Hayyyy…bakit kaya ganoon siya katorpe?

Wedding

Naroon siya sa araw ng kasal ni Lily. For the first time, nagkaroon siya ng lakas ng loob na halikan ito sa pisngi. Ummm, napakabango at napakalambot ng pisngi ng babaeng minahal niya ng ilang dekada. Buti na lang at casual na lang pakikipagbeso-beso. Parang nawala siya sa sarili. Nakatitig siya kay Lily. Si Lily naman ay napatulala sa kanya. Automatic na bumuka ang bibig niya: I Love You, Lily.

Hindi kaagad nakapagsalita si Lily. Tumulo bigla ang luha. “Bakit ngayon mo lang inamin? Kung kailan ako ikakasal. Alam mo bang matagal na kitang mahal?”.

Agad siyang nagpaalam. Hindi na niya hinintay na matapos ang wedding ceremony sa simbahan. Habang nagmamaneho ng kotse ay umiiyak siya.

vuukle comment

ALAM

ELEMENTARY GRADUATION

HIGH SCHOOL GRADUATION

HINALIKAN

I LOVE YOU

LILY

NIYA

SI LILY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with