^

Punto Mo

Lalaki sa China, gumugulong sa hagdanan bilang masahe

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Li Chia, isang 51-anyos na lalaki sa China ay may kakaibang hilig. Kung ang ibang tao ay nagpapamasahe sa mga spa o barberya, si Li naman ay nagpapagulung-gulong sa mga hagdanan bilang masahe sa kanyang likuran.

Karaniwang pumu­punta si Li sa isang parke na may 30 baitang upang doon mag­pagulong-gulong tuwing umaga. Gumugulong siya pababa ng mga baitang at pagkarating niya sa pinakababa ay gugulong ulit siya paitaas. Pakiramdam daw ni Li ay para na siyang nagpamasahe sa totoong masahista matapos ang lahat ng paggulong na kanyang ginawa.

Nabuo sa isip Li ang kakaibang paraan na ito nang minsang magpamasahe siya sa isang spa. Kakaiba ang nasabing spa dahil  minamasahe nila ang kanilang mga customer sa pamamagitan ng pagpapagulong sa kanila sa ibabaw ng maliliit na mga bato. Nagustuhan ni Li ang karanasang iyon kaya sinubukan niyang gawin ulit ito nang mag-isa ngunit nahirapan siyang ma­kaipon nang mga maliliit na bato na maari niyang gu­lungan. Naisip niya na gumulong sa mga lugar na may hagdanan bilang masahe sa kanyang likuran.

Ipinaaalala naman ni Li na delikado ang ginagawa niyang paggulong sa mga hagdan kaya babala niya sa mga tao na huwag gagayahin ang kanyang ginagawa. Hindi ito para sa mga hindi batak ang katawan dahil bukod sa tatlong taon na niyang ginagawa ang kakaiba niyang paraan ng pagmasahe ay sanay na rin ang katawan niya sa pag-eehersisyo kaya naman nagagawa niya ng ligtas ang paggulong niya sa mga hagdanan.

 

vuukle comment

GUMUGULONG

IPINAAALALA

KAKAIBA

KARANIWANG

NABUO

NAGUSTUHAN

NAISIP

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with