^

Punto Mo

EDITORYAL - Deretsahin na ang mga ‘boss’

Pang-masa

M ATALINHAGANG magsalita si President Noynoy Aquino at lalo na siyang nagiging matalinhaga kapag ang tungkol sa usapin ng second term niya ang pinag-uusapan. Masyado nang nalilito at nahihiwagaan ang kanyang mga “boss” sa hindi maunawaang pagsasalita niya ukol sa pagtakbo sa 2016 elections. Tatakbo nga ba siya sa ikalawang termino o hindi.

Nang magsalita siya sa kanyang nakaraang SONA, malinaw niyang sinabi: “Sa 2016, pipili kayo ng bagong pinuno ng ating bayan. Ang sa akin lang po: Para ipagpatuloy at mas mapabilis pa ang pagbabagong tinatamasa na ng ating lipunan, iisa lang ang batayan sa pagpili ng papalit sa akin: Sino ang wala ni katiting na dudang magpapatuloy sa transpormasyong ating isinakatuparan?”

Wala na siyang balak sa mga pananalita. Pero sa mga sumunod niyang pananalita at interbyu, iba na ang tono ng kanyang mga sinasabi. May hiwatig na gusto pa niya ng isang term. At sabi pa niya, depende raw ito sa sasabihin ng kanyang mga “boss”. Ibig sabihin, malakas ang kanyang paniwala na sa­sabihin ng kanyang mga “boss” na tumakbo uli siya sa ikalawang termino. Para bang nakasisiguro na siya sa sasabihin ng kanyang mga “boss”.

Maski sa kanyang pagdalaw sa Europe ay muli na namang nagpahiwatig si P-Noy nang pagtakbo sa ikalawang termino. Ano ba talaga Kuya? Hindi malaman kung ano ba ang totoo? Nang umalis siya patungong Europe, sinabi niyang hindi sana siya ang mapiling successor ng kanyang sarili. Ibig sabihin ayaw na niyang tumakbo. Ayaw na niya sa ikalawang termino.

Bakit hindi pa deretsahin ng Presidente ang kanyang mga “boss”. Sabihin na niya kung tatakbo ba siya o hindi. Oo at Hindi lamang ang pagpipilian. Hindi na dapat maging maligoy at matalinhaga sa pagsasabi. Huwag nang dagdagan pa ang kalituhan ng kanyang mga “bossing”. Hindi maganda ang paiba-ibang sagot. Tapatin na ang mamamayan.

vuukle comment

ANO

AYAW

BAKIT

IBIG

KANYANG

NANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with