^

Punto Mo

EDITORYAL - Tapat sa Konstitusyon

Pang-masa

NAKAKA-INSPIRE ang mga sinabi ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ang tangi nilang susundin ay ang nakasaad sa Konstitusyon. Mananatili umano silang tapat sa Konstitusyon at sinabi pa na magiging matibay ang Judiciary kung patuloy itong susuportahan ng mamamayan.

Nagsalita si Sereno sa mediamen noong Huwebes. Ito ang unang hayagang pagsasalita ni Sereno sa harap ng media makaraan ang mahigit dalawang buwan mula nang ideklara ng SC na illegal ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na nilikha ng Malacanang. Nanaig ang 13-0 vote. Ayon sa SC, bawal ang paglilipat ng pondo mula sa ibang departamento. Ang arkitekto ng DAP ay si Budget Sec. Florencio Abad. Umani ng batikos si Abad dahil sa kontro-bersiyal na DAP. Napag-alaman na galing din sa DAP ang ipinamudmod sa mga senador makaraang ma-impeached si dating SC Chief Justice Renato Corona.

Mula nang lumabas ang pasya ng SC sa DAP, nagkaroon na ng “lamat” sa pagitan ng Executive at Judiciary. Hindi matanggap ng Malacañang ang pasya ng SC kaya nang magsalita si P-Noy sinabing iaapela raw ang desisyon. Tila may hinanakit ang Presidente sa hindi inaasahang pasya ng SC ukol sa DAP lalo pa’t siya ang nag-appoint kay Sereno sa puwesto.

Hanggang sa magkasunud-sunod pa ang isyu sa pagitan ng Malacanang at SC. Sinabi ni P-Noy na kailangan daw magkaroon ng transparency sa SC sa pamamagitan ng paglalantad ng SALN ng mga justices. Ito ay makaraang tanggihan ng SC ang hi-ling ng BIR na magbigay ng kopya ng kanilang SALN ang mga justices. Wala naman maipaliwanag ang SC kung bakit ayaw nilang ibigay ang kanilang SALN.

Sa nangyaring “gusot”, makikitang may sariling desisyon at kalayaan ang SC. Hindi sila maaaring diktahan ng kahit sino kahit ang nag-upo pa sa kanila. Wala silang ibang “boss” kundi ang Konstitusyon. Sana nga, manatiling ganito ang SC na hindi nagpapatinag sa mga pulitiko. Tiyak namang susuportahan sila ng mamamayan kung paiigtingin nila ang im-bestigasyon sa mga corrupt sa judiciary. Bilisan din sana ang pagdedesisyon sa mga kaso.

vuukle comment

BUDGET SEC

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FLORENCIO ABAD

KONSTITUSYON

MALACANANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with