^

Punto Mo

‘Rape’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SIYA ay baklang 20 taong gulang na may kaaya-ayang hitsura — ayos lalaki pero “soft” ang feature ng kanyang mukha, maputi, makinis ang legs, matangkad kaya mahaba ang biyas, malinis siya at mukhang mabango. Mahinhin siyang kumilos. Parang binibini noong unang panahon. Kaya lang, noong nauso ang pekpek shorts, naku, paborito niya itong outfit kapag nagla­lakad sa kalye. Biglang naglaho ang kahinhinan ng bakla. Nagsimula na siyang humarot-harot noon. Madalas mag-inuman ang mga kumare niyang hitad tuwing gabi. Minsan, nagsasama sila ng mga kainumang straight na lalaki. Siguro… para may maharot.

Minsan, kalaliman na ng gabi,  nagulantang ang neighbourhood sa talak ng nanay ng bakla. “Ang anak ko… ni-rape ng walanghiyang si Bindoy!”

Ang bakla ay may tatlong kapatid na babae kaya nasa isip ng mga kapitbahay ay isa sa mga ito ang ginahasa ni Bindoy. Kinabukasan, may maliwanag nang kuwento tungkol sa “rape” na nangyari ng nagdaang gabi.

Ang bakla pala ang ni-rape ni Bindoy. Pero ayon sa nakalap ng mga tsismosang reporters, rape lang ang sinabi ng bakla pero sa totoo lang, ginusto rin niya ang nangyari sa kanila noong gabi. Lasing na lasing ang lahat, nagkatuksuhan, bumigay pareho kaya nagtikiman sa isang sulok ng garden.

Kaso nagising ang ina ng bakla. Nakita nito ang anak na nakikipag-suwagan kay Bindoy. Hindi nakayanan ang eksena kaya napasigaw. Sa lakas ng sigaw, ang dalawang tila toro na nagsusuwagan ay natanggal ang kalasingan. Na-realize bigla ang kalaswaang pinaggagawa nila. Biglang bumunghalit ng iyak si Bakla at nag-drama na pinilit siya ni Bindoy na makipag-sex. In other words, ni-rape.

Dinala ang kaso sa barangay. Sa bandang huli ay nagkabati-bati na lang ang dalawang panig. Pumiyok kasi ang baklang kapatid ni Bindoy na kabarkada ng baklang rape victim. Asar itong nagsalita sa nagkukunwaring rape victim: Drama ka pa diyan na ni-rape ni Kuya... hoy, ikaw ang may gusto kay Kuya at hindi ka na virgin ’no! Ang malanding ’toh!

vuukle comment

ASAR

BAKLA

BIGLANG

BINDOY

DINALA

KASO

KUYA

MINSAN

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with