^

Punto Mo

Walang kikilingan sa kasong tututukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Binabati natin ang Quezon City Police District (QCPD) sa pagkaresolba sa kasong pagpaslang sa car racer champ na si Enzo Pastor.

Natumbok ang pagkalutas sa krimen matapos ang isinagawang buy-bust operation sa pulis na si PO2 Edgar Angel, ng Pasay City police na hindi naglaon ay umaming siya ang gunman sa pagpatay kay Enzo.

Ikinanta na nito ang sinasabing utak sa krimen, ang ne­gosyanteng si Domingo “Sandy” de Guzman III na umano’y may relasyon sa misis naman ni Enzo na si Dahlia.

Naging maganda ang estratehiyang ginawa ng mga pulis-Quezon City, hanggang sa tuluyang madakip na rin si Sandy.

Tanging ang misis ni Enzo na si Dahlia ang pinaghahanap ng mga awtoridad at  kinasuhan na rin kahapon kasabay nina  Angel at Sandy.

Ika nga eh kung talagang, tututukan may kahihinatnan.

Kung talagang nagtatrabaho, may mapapala.

Biruing sa pag-aresto sa pulis na dawit sa droga ay may malaki pa palang kaso ang malulutas.

Kasunod nito, nag-anunsyo ang PNP na nagkakasunud-sunod umano ang pagkaaresto nila sa mga kriminal sa bansa.

Ayon nga sa tala, sa loob lamang umano ng walong linggo mula Hunyo hanggang Agosto, may 223 mga most wanted ang nadakip ng mga awtoridad. At sa mga huling linggo ng Agosto ay tumaas pa ito.

Ito raw kasi ay bunga ng bagong istratehiya na isinasa­katuparan ng kapulisan.

May 15 team ang binuo ng PNP-CIDG para tumutok sa mga insidente ng krimen para mapabilis ang paglutas nito.

Yun nga lang sana raw ay hindi lang sa mga kasong ang sangkot ay prominente  o kila­lang tao, tumutok ang PNP.

Sana rin daw ay matutukan maging ang mga kaso na ang biktima ay mga ordinar­yong tao lamang.

 

vuukle comment

AGOSTO

AYON

EDGAR ANGEL

ENZO

ENZO PASTOR

PASAY CITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with