^

Punto Mo

EDITORYAL - Good job!

Pang-masa

K UNG tututukan lamang ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanap sa mga wanted criminal at iba pang nagtatago sa batas, malulutas ang krimen. Kung magiging seryoso lamang ang mga alagad ng batas, babagsak sa kanilang mga kamay ang mga kriminal at maihahatid ang hustisya. Matatapos ang pagkauhaw ng mga kaanak ng biktima sa hina­hangad na hustisya.

Ang pagkakadakip ng PNP sa umano’y gunman ng international car racer na si Enzo Pastor ay isang mahusay na pagtatrabaho ng mga alagad ng batas. Nakagawa ng magandang paraan ang mga pulis para madakip ang suspect. Dahil nagtutulak ng shabu ang suspek na si PO2 Edgar Angel, dito sila nagsimula para malutas ang pagpatay sa car racer. Kumanta ang suspek na siya ang gunman ni Enzo. Umano’y isang businessman ang nag-hire sa kanya para itumba si Enzo. Binayaran siya ng P100,000 at may bonus na P50,000 kapag natapos ang pagpatay. Walang kaalam-alam ang businessman, na nahuli na ang gunman. Nang tawagan siya nito para kolektahin ang P50,000 bonus, nagkasundo silang makita. Nang iniaabot na ang pera, dinakma na siya ng mga pulis. Ayon sa salaysay ng gunman, may relasyon ang businessman at ang asawa ng car racer.

Itinuturing ng PNP na malapit na malapit na sa kalutasan ang kaso ng pinatay na car racer. Umabot nang mahigit dalawang buwan bago nahuli ang gunman. Binaril si Enzo noong Hunyo 12 sa kanto ng Congressional at Visayas Avenue habang nakatigil ang minamanehong truck.

Tagumpay ang PNP sa kasong ito at sana, malutas din naman ang iba pang krimen na matagal na rin namang­ inaasam ng mga naulila ng biktima. Naniniwala kami na marami pa ring pulis ang tapat at nagtatrabaho nang husto para malutas ang kaso. Umaasa ang mamamayan na masusundan pa ang kahusayang ginawa ng PNP sa pagdakip sa killer at sa “utak” ng pagpatay sa car racer.

 

vuukle comment

AYON

BINARIL

EDGAR ANGEL

ENZO

ENZO PASTOR

NANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

VISAYAS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with