^

Punto Mo

Manong Wen (34)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PAANO mo po nakilala ang nurse?” tanong ni Princess na mukhang interesadong ma­laman ang kuwento ng kanyang buhay.

“Nakita ko siya sa ospital kung saan kaming mga empleado ay nagpapa-check-up. Libre ang check-up sa ospital na iyon. Unang pagkakita ko pa lamang sa kanya ay na-in-love na agad ako sa kanya. Kakaiba ang ganda niya.’’

“Paano po kayo nagka­kilala ng nurse?”

“Naimbitahan ako ng isang kababayan na mag­tungo sa kanyang inuupahang villa isang Biyernes. May Bible study raw. Dahil sa gusto kong makarinig ng mga salita ng Diyos at para na rin may makilalang mga Pinoy, nag-attend ako. Pero bago ako sumama sa kababayan ko, siniguro ko muna kung ligtas ba roon. Nagkaroon na kasi ako ng phobia na baka ma-raid na naman ng mga pulis ang pagtitipon na gagawin. Sabi ng kababayan ko, ligtas daw. Huwag daw akong matakot dahil kasama namin ang Diyos. Naniwala ako.

“Ang villa na aming pinuntahan ay malapit lang pala sa ospital na kinakitaan ko sa nurse. Akalain mo bang isa rin pala siya sa mga duma­dalo sa  Bible­ study kapag Biyernes. Nagulat ako nang makita siya. Lalo siyang gumanda.

“At ang isa ko pang ikinatuwa, nakatabi ko siya sa upuan. Kaya habang nagsasagawa ng pag-aaral sa mga salita ng Diyos ay napagmamasdan ko siya nang maayos. Talagang maganda.

“Hanggang sa malaman ko ang pangalan niya. Gemma. Nagpakilala rin ako. At iyon na ang simula nang lahat.

“Hanggang sa dalawin ko na siya sa tirahan niya. Nagtapat na ako ng pag-ibig. Tinanggap niya ang pag-ibig ko sa maikling panahon nang pagkikilala…”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKALAIN

AKO

BIYERNES

DAHIL

DIYOS

HANGGANG

HUWAG

ITUTULOY

MAY BIBLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with