^

Punto Mo

Lalaki sa UK, nagpipinta gamit ang mga dumi at alikabok ng sasakyan

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Ben Long, isang painter sa United Kingdom ang nakaisip ng paraan upang mapakinabangan ang mga dumi at alikabok sa mga sasakyan.

Gamit ang mga sasakyan bilang canvas at ang mga dumi at alikabok bilang pintura, nakakalikha si Ben ng mga painting na hindi nalalayo ang kalidad sa gawa ng ibang pintor.

Madalas ay sa likuran ng mga malalaking truck niya ginagawa ang mga larawan na kanyang iginuguhit. Mga naglalakihang truck ang kanyang malimit na gawing ‘canvas’ dahil sa malalawak na espasyo nito sa likuran at sa makakapal na duming dumidikit dito. Dahil sa lawak ng espasyo na puwede niyang pagguhitan, nagagawa ni Ben na makalikha ng mga malalaking larawan na mabilis mapansin ng mga motoristang nakakasabay ng truck.

Unang naisipan ni Ben na gumuhit sa mga maruruming sasakyan noong nagsisimula pa lamang siya sa pagpipinta at wala pa siyang perang pambili ng mga materyales na kailangan ng isang pintor. Sa pamamagitan ng pagguhit sa mga maruruming truck ay nakakalikha siya ng mga gawang-sining nang hindi nanganga­ilangan ng pintura o ng sarili niyang studio.

Ngayon ay mayroon nang mga gamit sa pagpipinta at sariling studio si Ben ngunit ipinagpapatuloy pa rin niya ang pagguhit sa mga maruruming sasakyan dahil literal na mas malayo ang nara­rating ng kanyang mga nilikha kapag nakaguhit ang mga ito sa isang truck na bumibiyahe sa buong UK.

vuukle comment

BEN

BEN LONG

DAHIL

GAMIT

MADALAS

NGAYON

UNANG

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with