^

Punto Mo

EDITORYAL - Imbestigahan ng CHEd ang BSU

Pang-masa

MARAMI nang nangyaring malagim na trahedya habang nasa field trip ang mga estudyante. Marami nang namatay pero ang malaking katanungan ay kung naimbestigahan ba ang eskuwelahan at mga opisyales kaugnay sa nangyari. O wala nang nangyari sapagkat walang tumutulong sa mga magulang ng mga namatay na estudyante para sampahan ng kaso ang school na kasangkot. Sa dami ng mga trahedya, wala man lang nabalitaan na inimbestigahan ang mga sangkot na school at mga opisyal.

Ang pinaka-latest na pangyayari ay ang pagkalunod ng pitong first year students ng Bulacan State University (BSU) noong Lunes sa isang ilog sa San Miguel, Bulacan. Ang pitong estudyante ay tinangay nang ma­lakas na agos habang tumatawid sa ilog. Nakunan pa ng video ang pagtawid ng pito sa rumaragasang tubig ng ilog. Walang nagawa ang ibang estudyante kundi panoorin ang mga kawawang estudyante na ang edad ay 16 at pawang estudyante ng Tourism.

Nararapat ang agarang imbestigasyon ng Commission on Higher Education (CHEd) sa kasong ito. Alamin kung may pagkukulang ang BSU sa nang­yaring trahedya. Ayon sa mga magulang nang namatay na estudyante, napilitang sumama ang kanilang mga anak sa field trip sapagkat bibigyan umano nang mas mahirap na assignment ang hindi sasama. Sabi pa ng mga magulang pinapirma sila ng BSU na walang magiging pananagutan ang school sa anumang mangyayari sa mga anak.

Napakasakit nang nangyari sa pitong estudyante. Umasa ang mga magulang na nasa mabuting ka­lagayan ang kanilang mga anak habang nasa field trip pero hindi pala. Lumalabas na may pagkakamali sa pag-oorganisa ng field trip.

Madaliin ang imbestigasyon sa trahedyang ito.

vuukle comment

ALAMIN

AYON

BULACAN

BULACAN STATE UNIVERSITY

ESTUDYANTE

HIGHER EDUCATION

NANG

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with