^

Punto Mo

‘Mas masikip pang EDSA’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISA ka siguro sa mga nagtataka kung bakit lalong bumigat ang daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila partikular sa kahabaan ng EDSA.

Bagamat tinanggap na nating kabahagi na ng ating buhay dito sa Pilipinas ang matinding trapiko lalo na tuwing rush hour idagdag pa ang mga ginagawang repair sa mga kalsada, ngayon lalo pang mas mahirap magmaniubra.

Kaya sa mga motorista at mga empleyadong pumapasok sa kanilang mga opisina, asahan nang matetengga kayo ng matagal sa lansangan.

Nitong nakaraang linggo kasi, pinayagan na ulit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang humigit-kumulang 2,000 bus na pumasok sa EDSA.

Ito yung mga sasakyang buma-byahe mula sa mga malalayong probinsya kung saan ang terminal nila ay mismong nasa EDSA.

Pinagbawalan na silang pumasok dito noong nakaraang taon, subalit ngayon, pwede na ulit silang pumasok.

Ang problema, umaatungal ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Hindi daw sila kinunsulta ng LTFRB na pinamumunuan ni Winston Ginez.

Kung natimbrehan man lang daw sana sila, nagkaroon muna ng konsultasyon o dayalogo kasama ang mga maaapektuhang publiko.

Nitong nakaraang linggo, sinubukan kong tawagan sa pamamagitan ng aking progra­mang BITAG Live si Ginez para magpaliwanag sa usapin. Pero, hindi niya sinagot ang aming mga tawag at text messages.

Posibleng may nangyayaring pataasan ng tilamsik ng ihi dito kung sino ang mas may kapangyarihan kung saklaw ang pag-uusapan.

Naniniwala ako na ang mga terminal ng bus lalo na ang mga byaheng pam-probinsya o provincial buses dapat nasa labas ng Metro Manila.

Hindi malinaw sa ginawang sirkular ng LTFRB kung ang mga operator ba ng bus ang kanilang mas pinagsisilbihan o ang mga pasahero at publiko na lubos na naaabala dahil sa mabigat na trapiko sa lansangan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwin­g alas 10:00-11:00 ng umaga­ sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

BAGAMAT

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NITONG

WINSTON GINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with