^

Punto Mo

EDITORYAL - Marami pa ring jobless

Pang-masa

KAHIT na sinabi ng Department of Labor and Employment (DoLE) na nadagdagan ng 1.6 million ang mga may trabaho, hindi pa rin ito magandang balita sapagkat marami pa rin ang mga Pilipino na “nagbibilang ng poste”. Ang increase na trabaho ay hindi pa rin sapat sapagkat patuloy din naman ang mga nagtatapos sa pag-aaral. Ang mga nag-graduate noong nakaraang Abril ay kasama na ngayon sa mga walang trabaho. Ang nadagdag na trabaho ay para lang ipinahid kung tutuusin sa dami ng mga nagtatapos taun-taon. Kung maaari lang pigilin ang mga guma-graduate para hindi sila makasama sa mga walang trabaho. Halimbawa ay ang mga nagtapos ng nursing. Libo ang nagtatapos at nakakapasa sa board exams pero wala namang mapasukang ospital. Maski ang ibang bansa ay freeze ang hiring ng nurses. Kaya ang mga nagtapos ng nursing ay tambay lang sa kanilang bahay at umaasa sa mga magulang.

Kulang ang pagkakakitaan sa bansa kaya naman­ marami ang nagtutungo sa Middle East para makipag­sapalaran. Kahit maliit ang suweldo ay tina­tanggap para may pagkakitaan. Mas mabuti nang may sinasahod kahit maliit kaysa naman mamatay sa gutom sa Pilipinas. Hindi naman maaaring turuan ang bituka na huwag sumakit kapag nagugutom kaya kailangang maghanap ng trabaho at nang makakain.

Kung itutuon lang ng pamahalaan ang atensiyon sa sector ng agrikultura, dito makahahanap ng trabaho­. Napakalawak ng pagkakataon na makalikha nang maraming trabaho mula sa agriculture sector sapagkat napakayaman ng lupain ng bansang ito. Kailangan lamang ay buhusan ng atensiyon, suporta­ at mahusay na pamamahala para magbunga. Kung mapapaunlad ang sector ng agrikultura, uunlad­ ang bansa. Maraming magkakaroon ng trabaho at tiyak na wala nang magugutom.

vuukle comment

ABRIL

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

HALIMBAWA

KAHIT

KAILANGAN

KAYA

MIDDLE EAST

TRABAHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with